Ang kanser sa baga at Alzheimers disease
February 8, 2006 | 12:00am
Number three killer sa Pilipinas ang kanser sa baga, ayon sa Philippine Cancer Society (PCS). Batay sa report, umaabot sa 17,000 ang natalang may sakit na ganito. Naiulat din na 4,000 na ang namatay sa kanser sa baga sa nakaraang limang taon.
Napag-alaman na mas maraming babae kaysa lalaki ang may kanser sa baga. Marami nang kababaihan ang naninigarilyo ngayon. Para maiwasan ang kanser sa baga, ipinapayo ng mga manggagamot na dapat na iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Dapat ding kumain ng balance diet at mag-exercise nang regular.
Ang Alzheimers disease ang sakit ng yumaong US President Ronald Reagan. Ito rin ang sakit ni world boxing champion Muhamad Ali. Ang Alzheimers ay isang progressive degenerative brain disease characterized by an increasing loss of memory and other cognitive functions. Ang unti-unting pagkawala ng memorya ay malaking problema sa mga elderly at ayon sa mga espesyalista, ang Alzheimers ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng dimentia na umaatake sa mga may edad 85 at 90.
Napag-alaman na ang mga may chronic arthritis na laging umiinom ng mataas na doses ng non-steroidal anti-inflammatory drugs ay hindi kaagad magkaka-Alzheimers disease. Sa isang pag-aaral, sinabi na ang hormone replacement therapy ng mga post-menopausal na babae ay makapagpapabalam din para kapitan ng Alzheimers. Napag-alaman din ang kahalagahan ng mga anti-oxidant vitamins gaya ng mga Vitamins C and E ay makakatulong din para huwag magkaroon ng Alzheimers.
Napag-alaman na mas maraming babae kaysa lalaki ang may kanser sa baga. Marami nang kababaihan ang naninigarilyo ngayon. Para maiwasan ang kanser sa baga, ipinapayo ng mga manggagamot na dapat na iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Dapat ding kumain ng balance diet at mag-exercise nang regular.
Napag-alaman na ang mga may chronic arthritis na laging umiinom ng mataas na doses ng non-steroidal anti-inflammatory drugs ay hindi kaagad magkaka-Alzheimers disease. Sa isang pag-aaral, sinabi na ang hormone replacement therapy ng mga post-menopausal na babae ay makapagpapabalam din para kapitan ng Alzheimers. Napag-alaman din ang kahalagahan ng mga anti-oxidant vitamins gaya ng mga Vitamins C and E ay makakatulong din para huwag magkaroon ng Alzheimers.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended