^

PSN Opinyon

Kickback sa isyu ng fertilizer fund scam

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ISANG minutong panalangin dear readers ang gawin natin sa mga kababayan nating mahihirap na namatay sa stampede regarding sa Ultra tragedy sa Pasig City.

Binabati ko si NPC Director at NAIA Press Corps Inc. Jerry S. Yap dahil isa siya sa mga binigyan ng parangal sa ika-15th Founding Anniversary ng PNP-Aviation Security Group, kahapon.

Ang isyu, nagulantang ang halos lahat ng farmers sa Pinas nang marinig nilang kumanta ng magandang song si Jose Barredo Jr. sa Senado para ilaglag ang ilang mga tong-resman este mali congressman pala at ibang local executives regarding sa P728 million fertilizer fund scam. Sabi nga, nangumisyon.

Nagmistulang "jukebox king" si Barredo sa ginawa niyang pagkanta kaya naman halos mapaindak sa ganda ng music ang Senate Committee on Agriculture na pinamunuan ni Senator Jun Magsaysay.

Hindi biro ang fertilizer scam dahil sangkaterbang farmers ang umiiyak porke alaws silang napakinabangan para sa kanilang bukid nang magpalabas ng funding ang government.

Maraming alegasyon ang naglalabasan ngayon regarding sa fertilizer scam story porke ang pondo raw ay ginamit ng malakanin este mali Malacañang pala noong nakaraang 2004 Presidential election.

Siyempre, si Prez Gloria ang nanalo sa halalan kaya lang ngayon siya naman ang ibinabaon ng farmers tungkol sa scam.

Si dating USEC ng Department of Agriculture Joc-Joc bolate este mali Bolante pala ang namahala sa pondong nabanggit kaya naman gustung-gusto siyang paharapin ni Magsaysay sa kanyang komite para magbigay-linaw sa sinasabing iskandalo.

Ang masama, si bolate, este mali, Bolante pala ay hiding na at dehins na makita, lumipad ito papunta sa kampupot, este mali US of A pala para doon magpalamig.

Binigyan ni Magsaysay ng pagkakataon si bolate, este mali, Bolante pala para ipagtanggol ang mga ipinupukol ditong baho regarding sa million of pesos na funding ng Ginintuang Masaganang Ani pero up to now dehins siya lumalabas sa kanyang lungga. Ika nga, hide and seek toits!

Pinaratangan naman ni Barredo ang ilang matataas na opisyal ng Kamara at maging ang local executives na tumanggap ng kickback. Sabi nga, nagbulsa ng pitsa.

Ayon pa sa kanta ni Barredo, ang project ng government for the farmers ay naglahong parang bula dahil ang sinasabing liquid fertilizer na pambigay sa kanila ay hinaluan pa ng H2O.

Ang masama, deny to death ang mga farmers dahil alaws silang natanggap na tubig, este mali, liquid fertilizer pala. He-he-he!

"Dapat palagan ng ilang congressman at local executives ang mga pinagsasabi ni Barredo sa Senado para patunayan na alaws silang kinalaman sa kickbacks," sabi ng kuwagong Bumbay na nagpapautang ng five-six.

"Mukhang tahimik sila at yaw-a mag-react," naiinis na sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kumukuha lang tiyak iyan ng pagkakataon para pasinungalingan ang mga akusasyon ni Barredo," anang kuwagong Kotong cop.

"Ano kaya ang mangyayari kay Barredo?"

"Iyan kamote ang hintayin natin!"

AVIATION SECURITY GROUP

BARREDO

BOLANTE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE JOC-JOC

ESTE

FOUNDING ANNIVERSARY

GININTUANG MASAGANANG ANI

JERRY S

JOSE BARREDO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with