Simula 1995, pababa na ang level sa Pilipinas ng particulate matters (alikabok, usok, dumi, smog, liquid droplets). Pero lampas pa rin ito sa safe level. Miski may Clean Air Act tayo na nagpapa-smoke emission test sa sasakyan bago marehistro, maraming nagpapalusot sa no-show. Ang pinaka-matindi pa naman na nakakadumi sa hangin ay mga sasakyan, lalo na ang diesel buses at jeepneys, at two-stroke tricycles na halos kalahati ng mahigit 5 milyong sasakyan sa Pilipinas. Bumubuga ang mga sasakyan na ito ng nakalalasong nitrogen oxide at carbon monoxide.
At sino ang pinaka-pinsala? Walang iba kundi ang mga tsuper ng ganung sasakyan. Sa pagsusuri ng World Health Organization ng mga tao na madalas sa kalsada (pulis, driver, vendor), ang pinaka-maraming may plema at ubuhin ay mga jeepney driver (isa sa bawat tatlo), at sila rin ang pinaka-maraming may sakit sa baga (isa sa bawat anim). Sa mga pasahero, isa lang sa bawat sampu ang may mga ganung karamdaman. Malamang, hindi na malalayo ang katulad na statistics sa tricycle at bus drivers, at mga callers.
Sino naman ang susunod na pinaka-pinsala? Ka- wawa sila: Mga bata. Sa pagsusuri ng WHO, 16-40% ang tsansang magkasakit sa baga ang street children. May mas matinding pag-aaral ang US-Environment Protection Agency. Naglagay sila ng panukat ng diesel fumes sa loob ng schoolbus, at kinumpara ito sa fumes sa loob ng mga kotse sa harap at likod. Kinuwenta nila kung ilang oras nasa schoolbus ang mga bata, at ilang araw kada taon. Nakuwenta nila na 23-46% ang tsansa ng mga bata magka-lung cancer.
Bawasan ang toxic emissions ng mga sasakyan. Haluan ng isang lata ng coconut biodiesel sa kada full tank, mangangalahati agad ang fumes.