Liderato ang problema ng bansa

KAHIT naisulat ko na noon ang aking paniwala na parang hindi na maiwasan ang ating pag-shift sa parliamentary system, nananatili pa rin ang aking opinion na ang totoong problema ng ating bansa ay ang kalidad ng liderato at hindi ang system ng gobyerno. Ang ibig kong sabihin ng kalidad ay hindi lamang ang kakayahan ng ating mga lider na mamuno dahil mahalaga rin ang kanilang honesty at ang paglaban nila sa graft and corruption.

Sa halip na tukuyin ko kung sino ang ibig kong sabihin ng corrupt na lider, magbibigay na lamang ako ng halimbawa. Naisip na ba ninyo kung ano ang mangyayari sa ating bansa kung si Lee Kwan Yu ng Singapore or ’di kaya si Dr. Mahathir Mohammad ng Malaysia ang ating lider? Natitiyak ko na magiging maganda, malinis at tapat ang kanilang pagpatakbo ng ating gobyerno, kahit hindi na natin palitan ang ating system.

Of course, nakikita ko rin naman ang katotohanan na may mga defects ang ating system, ngunit sa tingin ko, kahit anong system ang ipalit natin, hindi pa rin mawawala ang ating problema kung ang mga corrupt na lider pa rin ang mamumuno sa atin, ang mga taong malayo sa kalidad ni Yu at Mahathir.

Bilang isang alternative, kung matutuloy na nga ang pag-shift natin sa parliamentary system, ang dapat nating gawin ay maghanda na tayo upang ang magiging mga lider natin sa bagong system ay hindi na mga corrupt, in other words, dapat mawala na sa picture at hindi na mahahalal ang mga trapo.

Malinaw sa ating lahat na kaya nahahalal ang mga trapo ay dahil sa kanilang pera at influence. Upang matiyak natin na hindi na talaga mahalal ang mga trapo, kailangang mapaliwanag natin sa mga taumbayan na ang totoong sanhi ng kahirapan ay ang graft and corruption, kaya kung mananalo na naman ang mga trapo, tiyak na patuloy pa rin ang corruption, kaya tuloy pa rin ang kahirapan. Hindi lang yan, may krimen pa rin, dahil anak din yan ng corruption.
* * *
Tune in to "HELLO SA IYO PILIPINO" on DZAR AM radio 1026 KHZ Mon to Fri 7 to 8 PM. Join the OFW Family Club. Visit www.ofwfamilyclub.com Text AMBA at 09224143582, call 5267522 or 5267515 or email him at royseneres@yahoo.com

Show comments