Alay Lakad ng seniors
February 5, 2006 | 12:00am
Ngayoy malapit na ang Pebrero Dose,
Sa araw na itoy may bagong diskarte
Ang senior citizens - Sampaguita Village
Upang makalikom ng pondong malaki!
Sa nasabing araw magsisipaglakad
Matanda at bata ng village na tanyag;
Ah "Walk for a Cause" ang dito ay tawag
Walang pinipili - kasali ang lahat!
Ang sponsor nitoy ang senior citizens
May bagong gusali at maraming members;
Hindi ito peke sa kanyang layunin
Pagkat pera nitoy laan sa magaling!
Ang mga kasapi na nagsisiyao
Itong asosasyon ay may laang pondo;
Sa mga maysakit natulong din ito
Lalot malubha na saka peligroso!
Dahil sa ang pondoy mabilis maubos
Officers at members nagkaisang lubos;
Isang "Alay Lakad" sa bayay ihandog
Upang makalipon ng pondong panggastos!
Maglalakad kami - matanda at bata
Na taglay sa puso ang dakilang nasa;
Sanay sumama rin maykaya at wala
Mga asosasyong mapagkawanggawa!
Paglalakad ito na pam-Valentines Day
Dalwang araw na lang itoy sasapitin;
Puso ng matanday walang pagmamaliw
Kung katuwang nila kabataan natin!
Kaya panawagan sa lahat ng tao:
Ating matatanda ay tulungan ninyo;
Mayaman at dukha pati pulitiko
Di kayo exempted sa gawaing ito!
Sa araw na itoy may bagong diskarte
Ang senior citizens - Sampaguita Village
Upang makalikom ng pondong malaki!
Sa nasabing araw magsisipaglakad
Matanda at bata ng village na tanyag;
Ah "Walk for a Cause" ang dito ay tawag
Walang pinipili - kasali ang lahat!
Ang sponsor nitoy ang senior citizens
May bagong gusali at maraming members;
Hindi ito peke sa kanyang layunin
Pagkat pera nitoy laan sa magaling!
Ang mga kasapi na nagsisiyao
Itong asosasyon ay may laang pondo;
Sa mga maysakit natulong din ito
Lalot malubha na saka peligroso!
Dahil sa ang pondoy mabilis maubos
Officers at members nagkaisang lubos;
Isang "Alay Lakad" sa bayay ihandog
Upang makalipon ng pondong panggastos!
Maglalakad kami - matanda at bata
Na taglay sa puso ang dakilang nasa;
Sanay sumama rin maykaya at wala
Mga asosasyong mapagkawanggawa!
Paglalakad ito na pam-Valentines Day
Dalwang araw na lang itoy sasapitin;
Puso ng matanday walang pagmamaliw
Kung katuwang nila kabataan natin!
Kaya panawagan sa lahat ng tao:
Ating matatanda ay tulungan ninyo;
Mayaman at dukha pati pulitiko
Di kayo exempted sa gawaing ito!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest