^

PSN Opinyon

‘Puwede ba akong mag-brisk walking? Meron akong arthritis’

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ITINATANONG ng isang reader kung maaari ba siyang maglakad bilang exercise bilang panlaban sa salakay ng arthritis. Oo. Mahalaga ang regular exercise kapag sumasakit ang kasu-kasuan o pinahihirapan ng arthritis. Hindi lamang paglalakad ang maaaring gawin para malabanan ang arthritis kundi maging ang pagsu-swimming.

Para sa kaalaman ng sumulat at sa iba pang hindi pa nababatid ang arthritis, may dalawa itong uri: Una ay ang osteoarthritis at ang ikalawa ay ang rheumatoid.

Ang osteoarthritis ay pinaniniwalaang degenerative disease na na-develop dahil sa pagkapunit ng cartilage sa kasu-kasuan. Ang cartilage ang nagpo-provide ng malambot na surface sa mga buto para mag-slide at maayos ang paggalaw. Kapag ang cartilage ay damaged, mag-kikiskis ang mga buto at madarama ang sobrang sakit. Mas matindi itong mararanasan kapag malamig ang panahon.

Ang rheumatoid arthritis naman ay isang misteryosong sakit kung saan ang karaniwang namamaga ay ang mga kasu-kasuan ng daliri sa kamay at mga paa. Karaniwang nagkaka-rheumatoid arthritis ay may edad 25 at 55. Mas tumatama ito sa mga kababaihan kaysa kalalakihan. Marami ang nagsasabi na ang pagsusuot daw ng copper bracelet ay nakababawas sa pananakit ng rheumatoid arthritis subalit walang scientific explanation dito.

Sa mga may osteoarthritis, nararapat magbawas ng pagkaing mamantika, matatamis at maaalat. Dagdagan ang pagkain ng sariwang gulay at prutas.

ARTHRITIS

CARTILAGE

DAGDAGAN

KAPAG

KARANIWANG

MAHALAGA

MARAMI

OO

RHEUMATOID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with