Mahal ni Madam Gloria ang mga magsasaka!!!
February 4, 2006 | 12:00am
IBA talaga si Madam Senyora Donya Gloria kung magmahal. Gaya ng pangako niya dati ay sisikapin niya raw paunlarin ang sector ng pagsasaka at pilit niya nga itong tinupad sa pamamagitan ng paghirang kay Jocjoc Bolante bilang isa sa Agriculture undersecretary.
Dahil sa tindi ng pagmamahal ng Malacañang sa sector ng mga magsasaka, pinili nila si Jocjoc Bolante na best friend, kasama, ka miyembro sa Rotary Club of Makati ni Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo, ang kabiyak ni Madam Senyora Donya Gloria (phone pal ni dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano) at ama ni Sir Senyorito Juan Miguel (Mikey) Arroyo (phone pal ay SI Raul, oo, SI Raul Gonzales na Justice Secretary).
Ito pong si Bolante na dating USEC ay de facto Secretary ng Department of Agriculture. Siya ang nagpapatakbo at walang nagagawa ang sinumang secretary sa nais niya dahil "what are friends for?"
Ngayon komo nga best friend siya ng nakatira sa Malacañang ay kanya talagang pinatupad ang programang magpalaganap ng mga fertilizers sa buong Pilipinas.
Una niyang kinontrata ang Feshan Philippines, isang medical supplies company, ulitin ko ha, hindi ho pagkakamali, isang medical company na pinakilala sa kanya nitong ngayon ay Antipolo Congressman Ronaldo "Ronnie" Puno upang gumawa ng mga fertilizer na pamamahagi sa buong bansa. Ito ho ay ginawa bago mag eleksyon nuong 2004 o bago mag-umpisa ang kampanya.
Kasama sa pamamahagihan nila ang Makati City, Quezon City, Manila, Antipolo at iba pang malalaking siyudad. Talagang nais nilang tiyakin na gumanda at epektibo ang agricultural modernization ni Madam Senyora Donya Gloria at umunlad ang lahat ng magsasaka.
Particular na binuhusan nila ng pondo ang mga kakampi, kaalyado, karancho, kasabwat, kapartido, kamag-anak, kapuso, kapamilya at katsokaran gaya nitong distrito ng kanyang kasalukuyang Chief of Staff na si Mike Defensor sa Quezon City.
Hindi ko pa ho sinali ang mga tuta, garapata at linta na description naman ni Ramon Ynares Reyes, isa kong reader. Thank You Ramon at tiyak alam nila kung sinu-sino sila.
Kasama rin ang mga kongresista na kumampi kay Madam Senyora Donya Gloria noong nakaraang impeachment proceedings sa Kongreso. Matindi talaga ang modernization campaign na ito ni Madam Senyora Donya Gloria at ito siguro ang dahilan kaya ultimo mga kalye natin ay may tumutubong damo at ang buong Metro Manila naman ay ginagawang jungle ni Bayani Fernando at tinataniman ng Kadena de Amor. Wow!!! Love Chain. Love talaga ano, kaso bakit may kadena.
Para matiyak na maipatupad nang husto ang mga programang ito, 30% ang binigay na pabuya (hindi raw kickback) sa mga kongresista, gobernador at mga mayor. Sarap ano, uunlad nga dahil out of P728 million pesos, 30% ang kaligayahan o P218.4 million.
Hindi pa ho kasali riyan ang kita ng gumawa ng fertilizer na ni-reject ng mga magsasakang lubos ang pagmamahal ni Madam Senyora Donya Gloria, ni USEC Jocjoc na pabiyahe biyahe na lang sa Estados Unidos para magpabunot lang ng ngipin at umiwas sa hearing ng Senado at higit sa lahat ang ginastos sa kampanya ni Madam Senyora Donya Gloria upang tiyakin ang kanyang patuloy na paninirahan sa Malacañang para hindi magulo ang Agricultural Modernization program.
Katunayan, nagkulang pa ang pondo para rito, naliitan sila sa na-allot na pondong P728 million at dahil nga sa tindi ng pagmamahal ni Madam Senyora Donya Gloria sa mga farmers, dinagdagan pa nila. Kumuha sila ng pondong P5 billion mula sa na-recover na Marcos wealth.
Binuhos din nila ito sa modernization program ni Madam Senyora Donya Gloria at sa fertilizer din na rekomendado rin ni Cong. Ronnie Puno ang pinamimigay nila sa mga kongresista, gobernador at mayor. Lahat binibigyan, walang pinipili kung siyudad man ito o agricultural area, iisa lang ang qualification, kailangan kakampi ng Malakanyang.
Hindi pa ho kasali rito ang mga tulay na natuklasan ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson na iba-iba ang haba at lawak pero iisa ang presyo at bagay na bagay gamiting diving board ng mga anak ng mga magsasaka sa putikan o daanan ng kalabaw o bisekleta nila. Ganyan katindi ang pagmamahal ni Madam Senyora Donya Gloria sa magsasaka. Tanong nga lang, sinong magsasaka? Siguro mga Amerikano, Thailander, Chinese o iba pang dayuhang magsasaka dahil tuloy ang importation natin at smuggling nila ng bigas, asukal at pati gulay. MABUHAY ang Agricultural Modernization ni Madam Gloria.
Batiin ko nga pala si Randolf Besa, Erwin Neuda, Jonas Cruz at Ricardo Caba maintenance people ng SkyCable. Nagloloko ang cable internet ko at nabigyan nila ng temporary na lunas. Ganun din kay Herman ng naturang kompanya. Sana lang patuloy ng mag-improve ang serbisyo ng naturang kompanya at hindi na magpainit ng aking ulo. Anyway, may bagong sistema raw ipapalit na mas maganda ngayong weekend. Sana!!!
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag- text sa 09272654341.
Dahil sa tindi ng pagmamahal ng Malacañang sa sector ng mga magsasaka, pinili nila si Jocjoc Bolante na best friend, kasama, ka miyembro sa Rotary Club of Makati ni Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo, ang kabiyak ni Madam Senyora Donya Gloria (phone pal ni dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano) at ama ni Sir Senyorito Juan Miguel (Mikey) Arroyo (phone pal ay SI Raul, oo, SI Raul Gonzales na Justice Secretary).
Ito pong si Bolante na dating USEC ay de facto Secretary ng Department of Agriculture. Siya ang nagpapatakbo at walang nagagawa ang sinumang secretary sa nais niya dahil "what are friends for?"
Ngayon komo nga best friend siya ng nakatira sa Malacañang ay kanya talagang pinatupad ang programang magpalaganap ng mga fertilizers sa buong Pilipinas.
Una niyang kinontrata ang Feshan Philippines, isang medical supplies company, ulitin ko ha, hindi ho pagkakamali, isang medical company na pinakilala sa kanya nitong ngayon ay Antipolo Congressman Ronaldo "Ronnie" Puno upang gumawa ng mga fertilizer na pamamahagi sa buong bansa. Ito ho ay ginawa bago mag eleksyon nuong 2004 o bago mag-umpisa ang kampanya.
Kasama sa pamamahagihan nila ang Makati City, Quezon City, Manila, Antipolo at iba pang malalaking siyudad. Talagang nais nilang tiyakin na gumanda at epektibo ang agricultural modernization ni Madam Senyora Donya Gloria at umunlad ang lahat ng magsasaka.
Particular na binuhusan nila ng pondo ang mga kakampi, kaalyado, karancho, kasabwat, kapartido, kamag-anak, kapuso, kapamilya at katsokaran gaya nitong distrito ng kanyang kasalukuyang Chief of Staff na si Mike Defensor sa Quezon City.
Hindi ko pa ho sinali ang mga tuta, garapata at linta na description naman ni Ramon Ynares Reyes, isa kong reader. Thank You Ramon at tiyak alam nila kung sinu-sino sila.
Kasama rin ang mga kongresista na kumampi kay Madam Senyora Donya Gloria noong nakaraang impeachment proceedings sa Kongreso. Matindi talaga ang modernization campaign na ito ni Madam Senyora Donya Gloria at ito siguro ang dahilan kaya ultimo mga kalye natin ay may tumutubong damo at ang buong Metro Manila naman ay ginagawang jungle ni Bayani Fernando at tinataniman ng Kadena de Amor. Wow!!! Love Chain. Love talaga ano, kaso bakit may kadena.
Para matiyak na maipatupad nang husto ang mga programang ito, 30% ang binigay na pabuya (hindi raw kickback) sa mga kongresista, gobernador at mga mayor. Sarap ano, uunlad nga dahil out of P728 million pesos, 30% ang kaligayahan o P218.4 million.
Hindi pa ho kasali riyan ang kita ng gumawa ng fertilizer na ni-reject ng mga magsasakang lubos ang pagmamahal ni Madam Senyora Donya Gloria, ni USEC Jocjoc na pabiyahe biyahe na lang sa Estados Unidos para magpabunot lang ng ngipin at umiwas sa hearing ng Senado at higit sa lahat ang ginastos sa kampanya ni Madam Senyora Donya Gloria upang tiyakin ang kanyang patuloy na paninirahan sa Malacañang para hindi magulo ang Agricultural Modernization program.
Katunayan, nagkulang pa ang pondo para rito, naliitan sila sa na-allot na pondong P728 million at dahil nga sa tindi ng pagmamahal ni Madam Senyora Donya Gloria sa mga farmers, dinagdagan pa nila. Kumuha sila ng pondong P5 billion mula sa na-recover na Marcos wealth.
Binuhos din nila ito sa modernization program ni Madam Senyora Donya Gloria at sa fertilizer din na rekomendado rin ni Cong. Ronnie Puno ang pinamimigay nila sa mga kongresista, gobernador at mayor. Lahat binibigyan, walang pinipili kung siyudad man ito o agricultural area, iisa lang ang qualification, kailangan kakampi ng Malakanyang.
Hindi pa ho kasali rito ang mga tulay na natuklasan ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson na iba-iba ang haba at lawak pero iisa ang presyo at bagay na bagay gamiting diving board ng mga anak ng mga magsasaka sa putikan o daanan ng kalabaw o bisekleta nila. Ganyan katindi ang pagmamahal ni Madam Senyora Donya Gloria sa magsasaka. Tanong nga lang, sinong magsasaka? Siguro mga Amerikano, Thailander, Chinese o iba pang dayuhang magsasaka dahil tuloy ang importation natin at smuggling nila ng bigas, asukal at pati gulay. MABUHAY ang Agricultural Modernization ni Madam Gloria.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am