Si Jun yabang...
February 1, 2006 | 12:00am
PATAY O BUHAY ang mga huling katagang sinambit ng suspek bago nito tinapos ang buhay ng biktima sa pamamagitan ng isang baril.
Nagsadya sa aming tanggapan si Ernando "Erning" Reyes Sr, ng Ibayo, Tipas, Taguig upang humingi ng tulong hinggil sa pagkakapaslang ng kanyang anak na si Ernando Jr. na kilala rin sa tawag na Ernan.
Pagkakarpintero ang trabaho ni Ernan. Matagal na umano itong nagsisilbi kay Kapitan Romy Lodronio dahil siya ang madalas na ipinatatawag nito sa tuwing may ipapagawa sa kanilang bahay.
"Masipag at mabait ang aking anak. Siya ang pinagkakatiwalaan ni Kapitan Romy kaya naman malaki ang tiwala nito sa kanya," sabi ni Erning.
Ika-26 ng Mayo 2005 bandang alas-5 ng hapon ng matapos ang trabaho ni Ernan at mga kasama nito sa ginagawang bahay ni Kapitan Romy sa Pateros nang magkayayaan ang mga ito na mag-inuman.
Si Ernan ang nakiusap sa manugang ni Kapitan Romy na kung maaari ay makapuwesto sila sa tapat ng bahay upang mag-inuman. "Pinayagan silang uminom hanggang sa nakadalawang long neck ang nainom nila. Pagkatapos ay nagpasiya na silang umuwi bandang alas-7 ng gabi subalit nagyaya pa raw ang anak ko na ipagpatuloy ang kanilang inuman," kuwento ni Erning.
Sa tapat ng bahay nina Dante Pantoja sa Pagkalinawan St., Ibayo, Tipas nagpatuloy ng inuman sina Ernan, Pio Manjares, Russel Michael at ang suspek na si Jun Espina alyas JR ng De Ocampo St., sa nabanggit na bayan.
Nakapuwesto na ang lahat sa hinandang inuman nang umuwi sa kanilang bahay si Jun na hindi naman kalayuan sa bahay nina Dante. Subalit pagkaraan naman ng ilang sandali ay muli itong bumalik at nakapag-inuman muli.
"Hindi daw nagtagal ay binunot na ni Jun ang baril na noon pala ay nakalagay sa kanyang baywang. Ipinakita daw ito sa kanila at pagkatapos ay pinahawakan pa daw ito sa kanila," sabi ni Erning.
Matapos pahawakan ang nasabing baril kinuha din agad ito ni Jun. Ikinasa umano ng suspek ang baril bago isuksok sa baywang nito. Samantala tuloy naman ang kuwentuhan ng mga nag-iinuman nang bigla na lamang nagsalita ito.
"Ang sabi daw nito sa mga kainuman niya ay Ano gusto? Patay o buhay? Pagkatapos ay bigla nitong binubot ang kanyang baril at saka ipinutok ng malapitan sa anak ko," kuwento ni Erning.
Sa hindi malaman na kadahilanan, binaril ni Jun ang kaawa-awang biktima sa dibdib nito. Tumalsik ang basyo ng bala at tumama umano sa noo ni Russel at kanya namang dinampot ito.
Samantala matapos ang ginawa ay mabilis na tumakas ang suspek dala pa rin ang baril na ginamit nito.
"Wala namang nagawa ang mga kainuman ng aking anak dahil sa pagkabigla at sa mabilis ng mga pangyayari. Hindi nila inaasahang ganoon kabilis papatayin ni Jun ang anak ko," pahayag ni Erning.
Samantala agad namang nagpatawag ng mga barangay tanod si Dante. Ang mga tanod na rin ang nagdala sa biktima sa ospital subalit sa kasamaang palad ay binawian na rin ito ng buhay. Marami ang nakasaksi sa mga pangyayari subalit ayon kay Erning hindi mga sanay ang mga ito sa gulo at takot na magbigay ng mga pahayag dahil baka sila naman ang pagbalingan ng galit ng suspek.
Agad namang nagsampa ng reklamo ang pamilya ni Ernan laban sa suspek. Nagbigay ng mga salaysay ang mga nakikita sa mga pangyayari subalit hindi na nagpakita pa sa lugar ang suspek.
"Bago pa lamang nila nakakasama si Jun sa trabaho. Hindi man nila kabisado ang ugali nito pero pinakisamahan naman daw nila ito ng maayos. Maging ang mga kasamahan nila ay walang nalalaman na pinagkagalitan ng anak ko at ni Jun kaya nagtataka sila kung bakit binaril nito si Ernan," paliwanag ni Erning.
Kasong homicide ang isinampa laban kay Jun. Nagkaroon ng preliminary investigation subalit hindi naman dumadating ang suspek. Si Fiscal Alexander Antonio ng Taguig ang may hawak ng kasong ito.
"Matagal nang natapos ang preliminary investigation subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang resolution para makapag-issue na rin ng warrant of arrest laban sa suspek. Sana ay matulungan ninyo ako sa kasong ito," pahayag ni Erning.
Hangad ni Erning na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang anak. Umaasa rin siyang mahuhuli rin ang suspek para harapin ang kasong ito at managot siya sa batas.
Para sa may mga problema lupa maaari kayong magsadya sa aming tanggapan tuwing araw ng Huwebes. Mayroong representative mula sa Land Registration Authority na magbibigay ng advice sa inyo.
Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
Ugaliing makinig sa aming radio program "HUSTISYA PARA SA LAHAT" kasama si DOJ Secretary Raul Gonzalez, Prosecutor Olive Non at ang inyong lingkod, tuwing Sabado alas-7 hanggang alas-8 ng umaga sa DWIZ 882 am band.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended