Mga achievements ni Madam Senyora Donya Gloria
January 31, 2006 | 12:00am
MATINDI ang reaksyon tungkol sa nakaraan kong column kung saan nilathala ko ang mga "nagawa" ni Madam Senyora Donya Gloria.
Marami rin ang nagtatanong kung bakit walang lumabas mula sa unang bilang hanggang huli, simple lang ho ang dahilan, marami kasing nagawa ang mga alipores at kaalyado at kakampi at kapartido niya pero sa press releases lamang kaya hayun maraming numbers pero blanko. In short, maraming wala.
Pero malaki ang naging galit ng ilang mga tauhan niya, ilang mga malalapit sa kanya at higit sa lahat ang mga nakikinabang sa kanya kaya pinagpipilitan nilang ilabas ko ang achievements (tandaan nyo may sa dulo kasi marami raw) nila.
Bilang pagtugon sa kahilingan nila ay ilalathala ko at para ho sa inyo mga mambabasa ay puwede nyong dagdagan kaya iiwanan ko pa ring blanko sa bandang hulihan. I-text ang nais nyong idagdag at pipilitin kong isama sa mga susunod na column.
Pinirmahan ni Madam Senyora Donya Gloria ang kontrata sa pagitan ng Pilipinas at IMPSA, isang independent power producer, wala pang isang linggo siyang nakaluklok sa Malacañang. Maligayang-maligaya ang mga taga IMPSA dahil tiyak ang kita nila at may garantiya pang babayaran ng sambayanang Pilipino ang pagkakautang sa kanila ni Madam Senyora Donya Gloria.
$ 20 milyong dolyar (mahigit isang bilyong piso) ang dineposito galing sa Latin America (tiyempo yatang nandiyan din ang headquarters ng IMPSA) at na-trace finally ng grupo ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson sa Coots Bank sa Hong Kong. (Ang Coots Bank ho ay hindi ordinaryong banko, imbitado lang ang pwedeng maging kliyente at $1 million (mahigit P50 milyon) ang minimum deposit. Natuklasan ng grupo ni Sen. Ping ay account ni JOSE PIDAL (yung laging nagtutungo sa Hong Kong na may MAHIWAGANG BAG) at meron ding maliit na account ($2 million o mahigit P 100 million) ang unang justice secretary ni Madam Senyora Donya Gloria na isa sa nag-initial sa IMPSA deal. Siyempre masaya ang Coots Bank at malaki ang hawak nilang deposito na tuwing kinsenas at katapusan ay dinadagdagan.
Gumawa nang pinakamahal na kalye sa buong mundo. Ang pangalan pa ay Diosdado Macapagal Highway. Tiyak kinilala tayo sa buong mundo. Lubos na maligaya ang kontratista, mga opisyal na tinalaga nila sa Public Estates Authority kasama na ng friend ni Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo na head ng naturang ahensiya. Hindi ba super achievement yan, nakilala na tayo maligaya pa sila.
Umangat ang bansang Pilipinas sa larangan ng corruption. Dati rati pang labingisa tayo, ngayon pangalawa na. Aba, konting kayod na lang ng mga taga Malacañang ay Champion na tayo. Iba talaga.
Ganoon din sa pagiging pinaka-dangerous na lugar para sa mga mamamahayag. Number two na rin tayo, hindi lang natin malampasan ang Iraq. Dont worry mga kababayan, pagkatapos ng giyera roon, tiyak number one na tayo.
Patindi rin nang patindi ang dami ng huwes o judges ang napapatay, mataas na ang ranggo natin, huwag mag-alala, gaya ng corruption at pagiging killing fields ng journalists, hindi magtatagal at makukuha rin nina Madam Senyora Donya Gloria ang tagumpay ng pagiging Champion.
Pagbebenta ng pinakamahal na fertilizer sa buong mundo at manufactured pa sa Caloocan at nagagamit kahit sa Metro Manila. Puhunan sa isang bote ay wala pang P100 pero nang binayaran ng gobyerno at ipamahagi ng Department of Agriculture ay halos umabot sa P1 libong piso kada bote.
Sa tindi ng fertilizers na ginawa ay nagiging Ghost pa ito (parang Ghost projects at deliveries) at higit sa lahat kahit semento ay puwedeng gamitin gaya ng Makati, Quezon City, Parañaque at iba pang malalaking siyudad.
Tindi ng magic ng mga taga-Malacañang at kayang maubos ang nabawing Marcos wealth sa halagang bilyong-bilyon dolyares. Parang bulang naglaho na ginamit daw uli ng Department of Agriculture sa modernization. Sa tindi ng nagawa nila, parang fertilizer na ubra rin sa semento, bakal, salamin at iba pang mga lugar sa Kamaynilaan at iba pang malalaking siyudad.
Mga tulay na iba-iba ang haba pero iisa ang presyo at karamihan pa ay daanan ng kalabaw at bisikleta at tricycle. Matindi niyan, meron pang para sa eroplano dahil sa gitna ka ng bukid titigil kaya kailangang lumipad. Talagang multipurpose dahil pwede ring gamiting diving board sa putikan ng mga kalabaw. Baka magkaroon tayo ng kalabaw na diving champion at utang natin yan kay Madam Senyora Donya Gloria.
Magic na sa pamamagitan ng pagtawag ng cell phone ni Madam Senyora Donya Gloria kay dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano ay tiyak mahigit sa isang milyon ang lamang niya. Kahit sa computer ay hirap pa gawin yon, ito telepono lang. Wow Philippines talaga.
May kasunod pa ho, kulang na ho sa espasyo kaya sa susunod na lang ang iba pang mga "nagawa" ng Malacañang. Text lang at e-mail kayo.
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest