Sa mga kapatid namin, please attend the last rites tomorrow dakong alas-8:30 ng gabi. Sa mga pupuntang Brethren, huwag ninyong kalimutan, Masonic attire!
Kung kailan iyan ang dehins pa alam ng mga kuwago ng ORA MISMO. May rice shortage raw sa world market siyempre kasama at affected todits ang Pinas.
Inaasahan kasi ng Pinas ang Vietnam and Thailand regarding sa supply ng bigas. Bilang na kasi sa daliri ang mga Noyping nagtatanim ng palay sa kani-kanilang mga lugar dahil sa taas na rin ng mga bilihin para sa pataba, etcetera.
Ika nga, dehins pa kasama rito ang pananalanta ng bagyo sa mga pananim. Karamihan kasi sa ating mga palayan ay naibenta na sa mga mayayamang negosyante na nilagyan naman ng bagong negosyo tulad ng mga golf courses, subdivision, commercial building, malls, etcetera.
"Lumiliit kasi ang taniman ng palay sa ngayon tulad sa Central Luzon," anang kuwagong farmer.
"Oo nga," sagot ng kuwagong minero.
"Ano ang dapat nating gawin para maiwasan ang rice shortage?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Bigyan ng importansya ng gobyerno ang mga farmers para sa isyung ito," sagot ng kuwagong maninisip ng tahong.
"Dyan kamote korek ka!"