EDITORYAL Bobo raw sa English kaya mahina ang ekonomiya
January 31, 2006 | 12:00am
KAILANGAN na raw ibalik sa English ang medium of instructions sa mga paaralan para mas maraming Pinoy ang ma-hire na call center agents at medical transcribers. Ito ang mungkahi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na agad namang sinakyan ng ibang grupo gaya ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP). At mas mabagsik ang sinabi ng TUCP na kaya bagsak ang ekonomiya ng Pilipinas ay dahil sa kahinaan ng mga Pinoy sa English. Ano???
Kung ang kabobohan sa English ang hadlang kaya hindi maunlad ng ekonomiya ng Pilipinas, bakit maraming overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia, Hong Kong, United Arab Emirates, Kuwait, at marami pang bansa sa mundo ang hindi naman mahuhusay mag-English pero sumasagip sa lugmok ng ekonomiya ng bansa. Ang mga carabao English ng OFWs ang nakikipagdakdakan sa mga dayuhan at nagdadagsa ng mga dollar remittances sa bansa. Salamat sa carabao English ng mga Pinoy na napupuri ng mga Arabo at mga Kano at Briton sapagkat madali raw makaintindi sa kanilang itinuturo.
Kung ang kahinaan sa English ang dahilan kaya bagsak ang ekonomiya, bakit hindi ito nangyayari sa Japan at Korea. Sa Japan ay kinamumuhian ang English. Bullshit ang English doon. Tanungin mo nang carabao English ang German at walang isasagot sa iyo. Matindi rin ang pagkamuhi ng mga German sa English kaya marami ang ayaw itong pag-aralan.
At dito sa Pilipinas, ay ang DOLE pa ang nagmumungkahing ibalik sa English ang medium ng instruction. Anong klaseng suhestiyon yan na galing pa naman sa departamentong kinalakal ang mga Pinoy para magtrabaho sa ibang bansa. Kung mahusay daw sa English ang mga Pinoy mas malaki ang tsansa na magkatrabaho agad sa mga call centers. At ang TUCP naman ay sinisisi ang kahinaang mag-English na dahilan nga raw ng mahinang ekonomiya.
Nakakainggit ang mga Japanese, Koreans at maging ang mga bansa sa Middle East na ang kanilang Inang Wika ang ginagamit sa pagtuturo. Hindi hinihikayat ng kanilang gobyerno na magsalita ng English ang kanilang mamamayan. Napipreserba nila ang kanilang kinagisnang wika. Kakaiba naman dito sa Pilipinas na ang gobyerno pa ang humihikayat na magsalita ng English at pati nga pagtuturo sa mga schools ay kanila nang pinakikialaman.
Sa kahusayan sa English nga ba tayo uunlad? Hindi siguro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended