^

PSN Opinyon

‘Bumuwelta ‘biktima’ ng PDEA’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Isang residente ng Brgy. Cuyab, San Pedro, Laguna ang nagsampa ng kaso kamakailan sa Department of Justice laban sa mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na naka-assign sa Camp Vicente Lim, sa Canlubang, Laguna ng a) Violation of Sec. 29, R.A. 9165 …(Planting of Evidence/Incriminating Innocent Persons); b) Illegal Arrest; c) Perjury.

Binuweltahan ni Arnelio Machado y Dominguez ang mga tauhan ng PDEA na humuli sa kanya matapos aprubahan ang kanyang inihaing Petition for Review sa Department of Justice sa una nitong desisyon sa Prosecutor’s office ng San Pedro, Laguna.

Nag-file din ng Motion for Reconsideration ang PDEA subalit muli rin itong na-denied ng Department of Justice. Sinabi ni Machado sa kanyang reklamo kung paano siya hingan ng mga ahente ng PDEA sa halagang ISANG MILYONG PISO (Php 1,000,000,00).

Nagsampa si Machado ng kasong criminal laban kina SP02 MARCELINO P. MALE, SPO1 ROBERTO D. MONZON, P02 LUISITO ANINIAS and P02 RONALD DIGMAN.

Sa kanyang Counter-Affidavit, sinabi ni Machado kung paano siya hinuli ng mga ahente ng PDEA, dinala sa sasakyan kahit na walang damit na pantaas, nakapiring ang mga mata at dinala sa isang safe house.

Hinihingan umano siya ng pera ng mga ito at sinabi niyang wala siyang ganoong kalaking halaga. Tinawagan naman ng mga ahente ng PDEA ang asawa ni Machado. Napag-isip-isip umano ni Machado na hindi nila kayang makalikom ng ganoong kalaking halaga kaya naisipan nitong tawagan ang isang Bino at Iris na sila ang bibili at magdadala ng Methamphetamine Hydrochloride na mas kilala sa tawag na SHABU.

Sinabi rin ni Machado na nakahiga siya sa sahig na nakapiring ang mga mata habang ilang ulit siyang pinagsususuntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan kaya napilitan siyang tumawag at sumunod sa hiling ng mga ito.

Nagfile ng Petition for Review ang abogado ni Machado sa tanggapan ni Department of Justice Secretary noong ika-23 ng Agosto at muling naaprubahan dahil sa mga merito ng petisyong inihain. Samantala nag-file naman ng motion for reconsideration ang PDEA noong ika-10 ng Oktubre 2005 at muli na naman itong na-denied ng DOJ noong ika-6 ng Disyembre 2005.

Isang Senior Superintendent (Colonel) ng PDEA, na minsang nasangkot sa isang eskandalo sa kasong Rape with Homicide at Murder, (sensational case ito) dahil sa kanyang pakikialam sa mga ebidensya, at ito’y nag resulta sa pagkakaalis nito sa kanyang posisyon ang nagmamayabang at nagmamalaki na makakausap umano nito si Executive Secretary Eduardo Ermita para baguhin ang naging desisyon ng Secretary of Justice. Isang miyembro ng PNP ang nagsabi na ang Senior Superintendent na "Buwaya" na gusto pa nitong makuha si Machado matapos mawalan ng pagkakataon na gatasan ito sa halagang isang milyon.

Isang mataas na opisyal sa DOJ na malinaw nitong sinabi na sa ilalim ng Rules of Court under Rule112 na ang Secretary ng Department of Justice ay may kapangyarihan na mag-review ng resolution ng mga local prosecutor, rebisahin at baguhin ang resolution. Nakasaad din ito sa Department Circular No. 54 ng DOJ.

Lumabas sa isang pahayagang tabloid na sinasabing "DOJ DRUG CODDLER?" at kinukuwestiyon nito ang naging desisyon ng tanggapan ng Secretary ng DOJ. Nakasaad din dito na di-umano’y tumanggap ng pera ang departamento upang mapabilis at pumabor ang Petion for Review sa kaso. Hinamon naman ng isang insider sa DOJ ang PDEA na patunayan ang kanilang sinasabi. Dinagdag pa nito na ang Motion for Reconsideration ay nai-file noong ika-10 ng Oktubre at lumabas ang denial mula sa DOJ noong ika-6 Disyembre 2005. Nasaan ang pagmamadali doon? Tanong ng isang DOJ official.

Sa RESOLUTION na ginawa ng DOJ sa kaso ni Arnelio Machado na napagdesisyunan at diretsahang sinasabi na:

"While this Court commends the efforts of law enforcement agencies who are engaged in the difficult and dangerous task of apprehending and prosecuting drug-traffickers, it cannot, however, close its eyes nor ignore the many reports of false arrests of innocent persons for extortion purposes and blackmail, or to satisfy some hidden personal resentment of the "informer" or law enforcer against the accused. Courts should be vigilant and alert to recognize trumped up drug charges lest an innocent man, on the basis of planted evidence, be made to suffer the unusually severe penalties for drug offenses."

WHEREFORE, the assailed resolution is hereby REVERSED and SET ASIDE and the case against the respondent is hereby DISMISSED. The Provincial Prosecutor of San Pedro, Laguna is directed to cause the withdrawal of the information filed against the accused ARNELIO MACHADO y DOMINGUEZ before the Regional Trial Court of San Pedro, Laguna, Branch 93, under Criminal Case No. 5344-SPL and to report the action taken thereon within ten (10) days from receipt hereof.

SO ORDERED

RAUL M. GONZALEZ

(Sgd)

Ibinunyag din ng insider sa DOJ na ito na maraming kaso ang PDEA ng extortion sa pamamagitan ng pagtatanim ng ebidensiya ng droga laban sa walang alam na biktima upang ito’y kanilang pagkaperahan.

"Ang kaso ni Machado ay hindi lamang ang kauna-unahang kasong nai-file sa DOJ laban sa PDEA at sigurado akong hindi rin ito ang huli," sabi ng isang DOJ official.

PARA SA ANUMANG COMMENTS MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166, 09198972854. Maari din kayong tumawag sa 6387285 o 6373965-70. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Ugaliing makinig sa aming radio program "HUSTISYA PARA SA LAHAT" kasama si DOJ Secretary Raul Gonzalez, Prosecutor Olive Non at ang inyong lingkod, tuwing Sabado alas-7 hanggang alas-8 ng umaga sa DWIZ 882 am band.
* * *
E-mail address: [email protected]

vuukle comment

ARNELIO MACHADO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOJ

ISANG

MACHADO

PDEA

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with