Iba’t ibang mukha ng pag-ibig

Marami ang mukhang taglay ng pag-ibig:

Pag-ibig na tapat abot hanggang langit;

Pag-ibig na banal laging ninanias

Pag-ibig na taksil iba ang daigdig!

Si Basco’y umibig sa isang dalaga,

Na inakala niya ay maraming pera;

Dalagang napili at napangasawa

Ay katulad niya na wala ring k’warta!

Si Gerry nagmahal sa isang mayaman,

Pagka’t ang hinangad bagong kapalaran;

Subali’t hirap din ang kanyang nakamtan

Dahil sa ang mutya’y may ugaling aswang!

Magandang-maganda ang mahal ni Mario

Ikinasal silang panay ngiti ito;

Nang magkaanak na ay kanyang nabisto

Dalwang anak nila ay sa ibang tao!

At itong si Randel sapagka’t masipag

Isang officemate niya ang siyang nasipat;

Inakala niyang masipag at tapat

Pero ito pala’y saksakan ng tamad!

At itong si Ronnie busilak ang nasa

Naging kaibigan ay laging sariwa;

Sariwa ang puso sariwa ang diwa

Hindi lumalaki kaya laging bata!

Kaya oh pag-ibig ikaw ba ay ano?

Umuusbong ka ba sa lahat ng puso?

Sana kung iibig tayong mga tao

Suriing mabuti nang hindi matanso!

Show comments