Kung nabasa mo Ramon ang aking kolumn noong Agosto ng nakaraang taon, tinalakay ko roon ang may kaugnayan sa sore throat.
Ang unang palatandaan ng lagnat, trangkaso at tonsillitis ay ang sore throat.
Ang sore throat ay kagagawan ng Stretococcus bacterium. Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sore throat at isa rito ay ang unhealthy diet mataas na intake ng refined carbohydrates, matatamis na pagkain gaya ng biscuits, table sugar at ang pagkain din naman ng mga mababa sa micronutrients.
Ang pagkapagod, paninigarilyo at pag-inom ng sobrang alak ay nagiging dahilan din para bumaba ang resistance ng katawan laban sa infection.
Dapat may sapat na Vitamins D at E ang diet para malabanan ang atake ng Streptococcus bacterium na lumilikha ng sore throat.
Ang Vitamin D ay matatagpuan sa mga oily fish. Kaya dapat mag-fish diet ang mga may sore throat para malabanan ang infection at nang magkaroon ng healthy immune system. Ang Vitamin E naman ay matatagpuan sa abokado, olive oil, nuts at seeds.
Ang kakulangan din naman sa Vitamin C ay magiging dahilan din para madaling makapitan ng infection. Mayaman sa Vitamin C ang strawberries, oranges at red pepper. Makatutulong din naman para mahadlangan ang pagkakaroon ng infection kung kakain ng mga yellow o orange fruit at vegetables gaya ng apricots, carrots, spinach sapagkat mayroong beta carotene.