Isang araw, pinapunta ni Fely ang kanyang anak na si Pol upang alamin ang estado ng kanilang lupa. Subalit nang hindi nagkaunawaan sina Pol at Cardo, humantong ito sa pananaksak ni Cardo kay Pol. Bukod dito, sinampahan ni Cardo ng kasong trespassing si Pol subalit ito ay nadismis.
Samantala, nang hilingin ni Fely na lisanin na ni Cardo ang lupa, ito ay tumanggi. Kaya, noong May 14, 1997, nagsampa si Fely kasama ang kanyang asawa ng kasong ejectment sa MTC laban kay Cardo. Subalit hiningi ni Cardo ang tulong ng Legal Division ng DAR, na idismis ang nasabing kaso dahil ang kaso ay hindi saklaw ng MTC. Ayon kay Cardo, bilang isang rehistradong nagsasaka ng nasabing lupa, dapat sana ay isinangguni muna ang kaso sa DAR upang matiyak kung mayroong agricultural tenancy relationship. Tama ba si Cardo?
MALI. Nang ipatupad ang Section 76 of Republic Act No. 6657 noong 1988, napawalang-bisa nito ang PD 316 at PD 1038 na nagsasabing kinakailangan munang isangguni sa DAR ang mga usapin sa mga lupang agkrikultural para tiyakin kung mayroon ngang agricultural tenancy relationship. Kaya, maari na itong dinggin ng korte kapag natiyak na walang usapin sa pagsasaka ng lupa ang kaso tulad ng mga sumusunod na elemento: (1)nasasangkot ang may-ari ng lupa at ang umuupa rito; (2) ang usapin ay tungkol sa lupang sinasaka; (3) mayroon itong pahintulot; (4) layunin ang produksyon sa pagsasaka; (5) personal ang pagsasaka sa lupa ng umuupa; at (6) mayroong hatian sa ani o kaya ay may bayad sa paupa.
Sa kasong ito, walang relasyong "may-ari at umuupa" sa pagitan ng mga partido. Walang kakayahan si Zita na ipagbili o paupahan ang lupa kay Cardo dahil si Fely na ang nagmamay-ari nito. At dahil walang kontrata ng paupa sa pagitan nina Zita at Cardo, walang naganap na pag-upa sa lupang sinasaka, kaya masasaklaw ito ng MTC. Tama ang MTC nang hindi nito pagbigyan ang kahilingan ni Cardo na idismis ang kaso. Samakatuwid, pinaboran ng korte si Fely dahil inatasan nito si Cardo na lisanin ang lupa at ibalik ito kay Fely; bayaran si Fely ng P5,000.00 bawat buwan mula March 1976 hanggang maisauli ang lupa kay Fely; at maibalik ang dating kondisyon ng lupa bago ito naging palaisdaan (Gutierrez vs. Cabrera, G.R. 154064 February 28, 2005 425 SCRA 521).