Ilan daw sa plano ng disgruntled junior military officers ang umorbit sa mga kampo para kumbinsihin ang kapwa sundalo na sumama sa kudeta. Ika nga, join-kayo. Sabi ni Secretary Gonzales, very credible raw ang intelligence report na kanyang nabasa kaya naniwala siya na may kubeta este mali kudeta pala.
Monday yesterday, the end ng deadline ni Secretary Gonzales pero tahimik at walang nangyari sa kapaligiran. Sigaw lang ng Noypi ang narinig sa buong kapuluan dahil nagwagi si Manny Pacquiao versus Erik Buhain este mali Morales pala. Sabi nga, all is well. Ewan ko lang sa malakanin, este mali, Malacañang pala!
May sarili palang intelligence network si Secretary Gonzales na daig pa ang ISAFP at NICA. Sana siya na ang mamuno rito para masigurado ng gobyerno ang tindi ng kanyang intel networking. Ika nga, iba si Raul, super Secretary ang dating.
Nauuna pa siyang makaalam ng mga mangyayari kesa military na mukhang natutulog sa pansitan o nahihiya dahil sa mga pagtakas ng rebeldeng sundalo. Hindi na tuloy malaman ni Prez GMA kung sino ang paniniwalaan, ang ISAFP, NICA, PNP-IG, NSA Adviser Norberto Gonzales o si Secretary Gonzales. Sino kaya sa kanila ang nagsasabi ng totoo?
Sa dami ng version ng kubeta este mali kudeta, malamang na mahilo na si Prez Gloria. Hindi na sila nakakatulong kay GMA, pina-praning pa nila ito.
Matindi ba talaga ang intel networking ni Secretary Gonzales? tanong ng kuwagong pagong.
Maasim ang kanyang mga asset kaya ganoon, sagot ng kuwagong sundalong kanin.
Sana ilipat si Secretary Gonzales sa intelligence group para maagapan ang anumang plano na pabagsakin ang government, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Diyan kamote tumpak ka!