^

PSN Opinyon

Graft and corruption ang kalaban

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
NAKAKATAWA mang sabihin, bilang patunay na ang problema natin ay ang ating liderato at hindi ang sistema, natitiyak kong magiging maayos ang takbo ng bansa kung mayroon tayong lider na katulad ni Lee Kuan Yew ng Singapore o di kaya katulad ni Mahathir Mohammad ng Malaysia.

Sa tingin ko, graft and corruption talaga ang pinakamalaking problema natin, dahil kahit palitan pa natin ang Constitution, natitiyak kong hindi pa rin tayo magiging maunlad, dahil ang pera ng bayan na dapat mapunta sa kaunlaran ng bayan ay mahihigop pa rin ng graft and corruption.

Hindi ba dapat lamang na unahin natin ang pag-sugpo ng graft and corruption sa halip na bigyan kaagad natin ng importansiya ang pagpalit ng Constitution? Ang hindi ko gusto sa usapang ito, ay para bang iniisip ng ating mga lider na kapag nag-palit tayo ng ating Constitution ay mawawala na rin ang ating mga problema, at kasama na diyan ang graft and corruption.

Ganoon pa man, kahit sinasabi ko na dapat unahin ang paglutas ng problema ng graft and corruption, parang nakikita ko na hindi na rin mapipigil ang pagpunta natin sa parliamentary system, kaya mas mabuti pa na paghandaan natin yan at tiyakin talaga natin na sa bagong sistema, ay mawawala na rin ang graft and corruption.

Wala naman akong pinatatamaan, ngunit sa tingin ko, malaki ang mababawas sa graft and corruption kung ang ating mga lider, mula sa local hangang sa national level ang unang magpakita ng halimbawa. Natural lamang na sabihin natin na ang mga kawani ng gobyerno, kahit ang mga ordinary citizens ay baka ma-discourage na rin na maging corrupt kung makikita nila na tuwid ang pamunuan.

Bilang tugon sa problema ng corruption, mahalaga na sa bagong parliamentary system, ang dapat mahalal ay ang mga taong tuwid, at kung maaari pa nga, ay mawala na sa picture ang tradpol.
* * *
Tune in to "HELLO SA IYO PILIPINO" on DZAR AM radio 1026 KHZ Mon to Fri 7 to 8 PM. Join the OFW Family Club. Visit www.ofwfamilyclub.com Text AMBA at 09224143582, call 5267522 or 5267515 or email him at [email protected]

BILANG

CORRUPTION

FAMILY CLUB

FRI

GANOON

GRAFT

LEE KUAN YEW

MAHATHIR MOHAMMAD

NATIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with