^

PSN Opinyon

EDITORYAL – I-monitor ang presyo ng pangunahing bilihin

-
SAMPUNG porsiyento ang itinaas ng expanded-value added tax (EVAT) noong nakaraang taon. Kahit na sinabi ng gobyerno na hindi magtataas ng presyo ang mga pangunahing bilihin, hindi ito nangyari. Marami pa ring tusong negosyante ang nagtaas ng kanilang produkto at hanggang ngayon taglay ng mamamayan (lalo ang mahihirap) ang bigat ng pasanin sa kanilang balikat. Hindi na naibalik ang dating presyo sa kabila na sinabi ng gobyerno na walang pagtataas na mangyayari. Hindi naisagawa ng gobyerno ang sinabing imomonitor ang mga presyo ng bilihin. Ipinatupad ang 10 percent EVAT noong Nobyembre 1 sa kabila nang maraming pagtutol.

Ngayong darating na Pebrero ay mas lalong mabigat na pasanin ang nakaamba sa balikat na nagsusugat ng taumbayan. Paano’y 12 percent ang idadagdag sa EVAT. At sa dagdag na ito tiyak na marami na naman ang aaray. Kung sa 10 percent ay maraming nasaktan, paano pa sa 12 percent.

Sa pagpapataw ng 12 percent tiyak na magtataas na naman ng presyo ang liquefied petroleum gas (LPG). Sa kasalukuyan, mahigit na P500 ang presyo ng 11 kgs. na tangke. Paano pa makabibili ng LPG ang mga karaniwang mamamayan na ang suweldo ay kulang pa sa pang-araw-araw na pangangailangan? Ang mga naghihigpit ng sinturon ay hindi na makahihinga kapag muling nagpataw ng 12 percent EVAT.

Sabi ng Department of Trade and Industry (DTI) noong nakaraang taon, imomonitor nila ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin. Hindi raw sila mangingiming parusahan ang mga negosyanteng magsasamantala sa mga kawawang mamamayan. Pero hindi nangyari ang pangakong iyan sapagkat nagpatuloy sa pagtaas ang mga bilihin at hindi ito nakikita ng DTI o ng Department of Finance. Pawang magagaling lamang silang magsalita pero kulang na kulang sa gawa.

Ngayong magdadagdag na naman ng 12 percent EVAT panibagong pangako ang sinabi ng DTI, imomonitor daw nila ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Gagawin daw nila ang lahat ng paraan para mamonitor ang presyo ng mga bilihin. Magiging epektibo raw ang kanilang gagawing pagmomonitor.

Mabuti’t inaamin ng DTI ang kawalan nila ng sigasig. Dapat lamang na pagbutihin ang pagmonitor sa mga bilihin at parusahan naman ang mga negosyanteng masiba.

BILIHIN

DAPAT

DEPARTMENT OF FINANCE

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

NGAYONG

PAANO

PRESYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with