Pagpili sa 12 apostoles
January 20, 2006 | 12:00am
PARA sa misyon ni Jesus, siya ay pumili ng mga taong kanyang tuturuan, huhubugin at babahaginan ng kanyang misyon. Ang mga taong ito ay tinawag na "apostoles" o mga "sinugo".
Basahin ang Ebanghelyo (Mark 3:13-19) .
Umahon si Jesus sa kaburulan, kasama ang kanyang mga pinili. Humirang siya ng 12 apostol upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral, at bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. Ang 12 apostol ay ang mga sumusunod: Simon na tinagurian niyang Pedro; si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo. Tinagurian niya ang mga itong Boanerges, na ibig sabihiy mapupusok; sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, at Tadeo; si Simon makabayan, at si Judas Iscariote na magkakanulo sa kanya.
Malinaw ang tungkulin ng mga apostoles maging kasa-kasama ni Jesus, mangaral at magpalayas ng mga demonyo. At ganoon din tayo na mga tagasunod ni Jesus. Kailangang matuto tayong maging kasa-kasama ni Jesus. At ito ay ginagawa natin sa ating palagiang pananalangin. Ang pangangaral natin ng Mabuting Balita tungkol kay Jesus ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagpapahayag, pagsusulat, pagkilos na kung saan mararamdaman ay makikita ng mga tao kung ano at sino ang ating ipinapahayag. Ito ay ginagawa natin sa lahat ng larangan ng ating buhay at anuman ang ating katayuan sa buhay.
Ang pagpalayas ng mga demonyo ay maaaring sa espiritwal na larangan, panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura at pampisikal.
Sa pagpili ni Jesus sa 12 apostol, sinasabi niya na kailangan niya ang mga katuwang sa kanyang misyon. Ang bawat isa sa atin ay kanyang pinili nang tayoy mabinyagan, kaya tayong lahat ay "sinugo". Nagagampanan ba natin ang ating misyon?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended