EDITORYAL Ikulong ang mga natakasan!
January 20, 2006 | 12:00am
MAYROON kaming suhestiyon habang hindi pa nahuhuli ang apat na sundalong tumakas sa kanilang kulungan sa Fort Bonifacio: Ikulong ang opisyal na may responsibilidad sa apat na mutineers at ganoon din ang mga guwardiyang nagbabantay sa mga ito. Ikulong sila sa mismong selda na tinakasan ng apat na sundalo. Sa ganitong paraan lamang maaaring turuan ng leksiyon ang mga opisyales at sundalong "natutulog sa lugawan".
Kakahiya ang nangyari na ang mga mutineers ay walang anumang nakatakas sa pamamagitan ng pagpapatung-patong ng mga silya hanggang maabot ang pader. Nang maakyat ang pader ay mabilis na naglundagan ang apat at nawala sa dilim. Babay Armed Forces!
Sa pagtakas ng apat na miyembro ng Oakwood mutineers, marami na naman ang nabalot ng pangamba na may magaganap na kudeta. Kahapon ay apektado na naman ang kalagayan ng peso at nayayanig na naman ang mga dayuhang investors. Walang ipinagkaiba nang magsagawa nang pag-aaklas ang mga sundalo sa Oakwood noong July 2003. Nagkuta sa Oakwood Hotel sa Makati City ang mga sundalong kabilang sa Magdalo Group. Nanawagan sila sa pagbibitiw ni President Arroyo at binatikos ang grabeng corruption sa AFP.
Sabi ng AFP walang destabilization plot sa pagtakas ng apat. Talaga raw tumakas lamang ang mga ito. Wala rin daw banta ng kudeta. Iyan ang sinabi ni AFP chief of staff Lt. Gen. Hermogenes Esperon.
Ang pagtakas ng apat ay naganap isang buwan makaraang makatakas din si Marine Capt. Nicanor Faeldon. Si Faeldon ay kabilang din sa mga mutineers na nakakulong sa Fort Bonifacio. Tinakasan naman ni Faeldon ang kanyang escort habang dumadalo sa isang hearing. Ano pa ang susunod?
Natutulog sa "lugawan" ang mga guwardiyang nagbabantay sa mutineers. Hindi na nakapagtataka kung sa mga susunod na araw ay mayroon na namang makatakas na sundalo sa Fort Bonifacio. Paano nakalusot sa mata ng mga guwardiya ang pagtakas ng apat? Wala man lamang nakapansin sa kanilang pag-akyat sa pader at sa pagtalon mula roon. Hindi bat maraming guwardiya ang Fort Bonifacio? Ni isa man sa kanila ay walang nakapansin sa pagtakas ng apat na mutineers. Grabe!
Dapat ikulong ang inutil na opisyal at mga walang silbing guwardiya. Mga sundalong kanin!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended