Video karera ang hadlang para maging best station ang Parañaque City police!
January 18, 2006 | 12:00am
DAPAT lang sigurong linisin ni Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque City police, ang kanyang balwarte sa video karera nina Oye Santos at Roland Viscarra. Kasi nga kung hindi, baka maunsiyame pa o maudlot ang award na Best Police Station para sa liderato niya kapag hindi niya ito nagawa sa ngayon mismo. Itong Parañaque City police kasi mga suki ang nangunguna sa ngayon sa search ng Best Police Station ng NCRPO at sa tingin ko, ang video karera nina Oye Santos at Ronald Viscarra ang natitirang hadlang para makamtan nila ang award. Paano matataguriang Best Police Station ang Parañaque kung naglilipana sa balwarte nila ang video karera nina Santos at Viscarra, aber NCRPO chief Dir. Vidal Querol? Imbes kasi na hangaan ng kanyang kapwa opisyal ng NCRPO, magiging katawa-tawa ang kaibigan kong si Estilles kapag nanalo pa ang istasyon niya kahit laganap ang video karera sa kanyang lugar. Kaya para walang masilip ang mga kapwa station commander niya sa kanya, dapat linisin ni Estilles ang balwarte niya ng video karera nina Oye Santos at Ronald Viscarra para taas-noo niyang tatanggapin ang award niya sa darating na PNP day, di ba mga suki?
May balita ako na 50-50 ang lagay na makina nina Santos at Viscarra sa Parañaque City. Ang ibig kong sabihin mga suki, kung 40 ang makina ni Santos ganun din dapat ang kay Viscarra. He-he-he! Hala hagupitin mo na ang makina sa lugar mo Supt. Estilles!
Kung sabagay, matagal ko nang binibira ang video karera nina Santos at Viscarra sa Parañaque City subalit nagtataka ako kung bakit ayaw silang galawin ng pulisya.
May basbas kaya sina Santos at Viscarra ni Mayor Jun Bernabe? Kasi nga itong operation ng video karera ay hindi naman lalaganap kung walang basbas ng mga pulitiko tulad ni Berna-be at mga kapulisan. Kayat kahit abot langit na ang perhuwisyong dulot ng video karera sa mga kabataan, aba nagbingi-bingihan lang ang pulitiko tulad ni Berna- be at mga kapulisan dahil namamantikaan na rin ang mga nguso nila.
Kaya sino ang dapat sisihin ni Estilles kung hindi niya makuha ang Best Po-lice Station ng NCRPO? Ang sarili niya o si Mayor Bernabe? He-he-he! Masalimuot talaga ang problemang dulot nitong video karera, no Gen. Querol Sir?
At bakit hindi rin maikumpas ni Gen. Querol ang kamay na bakal niya laban sa video karera, hindi lang ni Santos at Viscarra kundi maging sa mga pulis na sina Romy Malang, Jerry Peralta, Maj. David at Renel Bernardo sa QCPD? Isama ko na si Bebet Aguas na may 17 makina sa Pasay City. Sina Malang, David, Peralta at Bernardo ay may ka-grupo na sibilyan na sina Eric Francisco, Lito Mison, Benny Ang, Mel Espinosa at Malang brothers. Maaring nasa Cloud 9 sa ngayon si Querol dahil sa tiwala ng Palasyo sa kanya subalit mukhang semplang siya pagdating sa kampanya laban sa video karera. Kung noong panahon ni Dep. Dir. Gen. Avelino Razon sa NCRPO mayat-maya ay nagsusunog ng nakumpiskang video karera subalit dito kay Gen. Querol ay bokya? Ang ibig bang sabi- hin niyan kung si Razon ay may kampanya, si Gen. Querol WALA? Kaya pala nakangisi palagi ang mga video karera operators dahil alam nila hindi sila gagalawin ng pulisya sa liderato ni Querol.
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended