Sinusuka na, pinagpipilitan pa rin ang sarili
January 17, 2006 | 12:00am
NITONG nakaraang ilang araw ay nagkakaroon ng hidwaan sa grupo ng Lakas NUCD, partido ni Madam Senyora Donya Gloria, dating Pangulong Fidel V. Ramos at House Speaker Jose De Venecia.
Ang pinag-aawayan nila ay kung kelan dapat umalis sa Malacañang si Madam Senyora Donya Gloria at kung kelan ba dapat baguhin ang ating sistema ng gobyerno at ilipat sa parliamentary system mula sa Presidential form.
Sa isyu ng kung kelan dapat lumisan sa Malacañang si Madam Senyora Donya Gloria ay nagmukhang yoyo si dating Pangulong Tabako dahil araw-araw noong nakaraang linggo ay nababago ang tayo niya sa isyung ito.
Kinantyawan tuloy siya ni Congresswoman Imee Marcos na nag-uulyanin na sinagot naman ng kampo ni Tabako ng hamon ng pag-dedebate. Bagamat magaling sa psy war itong si Tabako, hindi debate ang linya niya at payo lang ho, baka gawin kayong katawa-tawa ni Imee na alam na alam ang lengguwahe ng masa.
Sa kampo ni Tabako, huwag din kayong magkakamali na hamunin ng debate si Congressman Rolex Suplico na tumawag sa inyong yoyo. Totoo naman ang sinabi niya. Napakagaling mang-asar nito at kahit na dati niyang titser at kalaban ni Tabako na si Sen. Miriam Defensor Santiago ay pinilit manahimik kesa makipag-palitan ng maanghang na salita rito.
Anyway, ang isa sa nais (isa lang ito dahil papalit-palit nga) ni Tabako ay umalis sa Malacañang si Madam Senyora Donya Gloria sa isang taon at magkaroon na ng sistemang parliamentary ang gobyerno.
Tama ho si Tabako diyan na dapat umalis si Madam Senyora Donya Gloria sa Malacañang pero hindi ho dapat hintayin pa ang taong 2007 at palitan siya. Ngayon din, ora mismo dapat palayasin ang administrasyong ito na walang binigay sa bansa kung hindi kahirapan, kahihiyaan at higit sa lahat nagsilbing masamang ehemplo dahil sa patuloy na pagsisinungaling at pandadaraya, panloloko at pagnanakaw.
Marami sa kaalyado niya ang papalag sa sinabi ko, pero dederetsahin ko kayo, kasali ho kayo sa pagsisinungaling at pandadaraya, panloloko at pagnanakaw kaya guilty din kayo.
Pag nakipaglaro ka, nakipag-sabwatan ka, tumanggap ka sa demonyo, simple lang yun, masama ka na rin.
Ang isang isyu naman ay ang patuloy na pagtuturo ng administrasyon sa sistema ng pulitika bilang dahilan ng mga suliranin nating hinaharap ngayon, lalo na ang gulo sa pulitika.
Ang solusyon ni Tabako at ni si Speaker Jose De Venecia ay gawin daw parliamentary ang sistema sa Pilipinas. Sistemang ginagamit daw sa China, Malaysia, Singapore at marami pang ibang bansa.
Tuwing tatanungin nga siya ang bibigay niyang mga bansa ay yung mga mauunlad pero tanong lang namin, hindi ba ang maraming bansang magulo at mahirap din ay parliamentary system din. Kung perfect yan, di lahat inadopt na yan.
Wala ho sa sistema yan, nasa lider ho yan. Kung magpapatakbo ho ng Pilipinas ay mahihilig sa pork barrel at kung anu-ano pang scandal at scam na kagaya ng grupo ninyong tatlo, lalong problema yan dahil sa sistemang gusto ninyo ay sabwatan lang ang kailangan.
Nakalimutan nyo ba ang nangyari sa Italy kung saan ang isang super yaman at super corrupt ang naging Prime Minister pagkatapos lahat ng member of parliament ay kumakain sa palad niya at katotohanan siya pa nga ang gumastos para manalo, ayun sabwatan blues.
He-he-he!!! Baka naman yan ang gusto nyo dahil magbubulungan lang kayo ay ayos na ang lahat. Ano kayo sinusuwerte?
Inuulit ko, wala ho sa lider yan, wala ho sa constitution yan. Bakit hindi nyo ho tingnan ang tanging superpower sa buong mundo ang United States of America, Presidential form ho sila at hindi binabago ang constitution nila na umabot na sa 200 taon.
O baka naman ang tunay na dahilan ay dahil ilayo ang isyu sa dayaan sa election lalo na ang buhay na buhay na Hello Garci, aminin!!! O baka naman sa sistemang Presidential ang walang pag-asang kagaya ni JDV dahil siya ang naaalala pag nabanggit ang trapo o traditional politician ay magkakaroon ng chance.
Sapol na sapol kayo no? O baka nais nitong si Tabako na makabalik dahil sa kasalukuyang sistema ay bawal umulit ang pinuno. Batu-bato sa langit ang tamaan huwag magalit!
He-he-he!!! Right on target tayo mga kaibigan, yan ang tatlong dahilan ng tatlong "magagaling" na lider na SINUSUKA NA NG BAYAN AY PINAGPIPILITAN PA ANG SARILI!!!
Batiin ko lang ang mga nasa locker ng Valley Golf Club na tumulong sa akin noong Linggo, lalo na si Paddy Pelayo. Mabuhay ho kayong lahat diyan.
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended