Si Ellen ay may hyperhidrosis, isang abnormal sweating. Ayon sa international endocrinologist na si Dr. Thomas Cromer merong dalawang sweat glands: Ang apocrine glands at eccrine glands. Ang apocrine glands ay natatagpuan sa axilla at anogenital area na kontrolado ng sex hormones. Ang eccrine glands ang sanhi ng pagpapawis sa lahat ng bahagi ng katawan lalo na sa palad, talampakan at sakong ng paa, na lumulubha kapag namroroblema o nagkakaroon ng anxiety.
Ang hyperhidrosis ay nagsisimula sa babae at lalaki na nasa stage of puberty. Kung silay nagdadalaga o nagbibinata. Bukod sa anxiety sinabi ni Dr. Cromer na ilan pang sanhi ng sobrang pagpapawis ay ang sobrang katabaan o obesity, impeksyon, menopause na kadalasan ay nagkakaroon ng hot flushes, carcinoma of the prostate, lymphomas, tumor at diabetes.