Insomnia
January 15, 2006 | 12:00am
Hindi ako makatulog
Kahit anong gawin ay hindi mapikit
Yaring mga mata
Na laging wala rin nakatitig;
Ang antok na diway
Mulat na mulat pa at ayaw kumapit
Sa maraming diwang
Ngayoy naroon na sa ibang daigdig!
Ang ibang daigdig
Na sinasabi koy daigdig nang tulog
Yaon bang ang puso
At saka ang diway doon nakatutok;
At ngayong pagod na
Ang pusot isipan sa paghihimutok
Anot ayaw pa ring
Ang ulilang pusoy dalawin ng antok?
Pagod na pagod na
Ang aking isipan sa mga inisip
Subalit ang puso
Ayaw pang mahimlay di pa rin maidlip;
Ang tanong ko ngayon
Ay maraming tanong at maraming bakit
Ito bay parusa
Sa nagawang linsil kaya di maidlip?
Pagod na ang diwa
At pati ang pusoy ibig nang bumigay
Sa tindi ng dusa
Na ngayoy kapiling sa aking higaan;
Subalit ang tulog
Na hinahangad kong sana ay dumatal
Mag-uumaga nay
Gising pa ang diwa sa tudla ng araw!
Kahit anong gawin ay hindi mapikit
Yaring mga mata
Na laging wala rin nakatitig;
Ang antok na diway
Mulat na mulat pa at ayaw kumapit
Sa maraming diwang
Ngayoy naroon na sa ibang daigdig!
Ang ibang daigdig
Na sinasabi koy daigdig nang tulog
Yaon bang ang puso
At saka ang diway doon nakatutok;
At ngayong pagod na
Ang pusot isipan sa paghihimutok
Anot ayaw pa ring
Ang ulilang pusoy dalawin ng antok?
Pagod na pagod na
Ang aking isipan sa mga inisip
Subalit ang puso
Ayaw pang mahimlay di pa rin maidlip;
Ang tanong ko ngayon
Ay maraming tanong at maraming bakit
Ito bay parusa
Sa nagawang linsil kaya di maidlip?
Pagod na ang diwa
At pati ang pusoy ibig nang bumigay
Sa tindi ng dusa
Na ngayoy kapiling sa aking higaan;
Subalit ang tulog
Na hinahangad kong sana ay dumatal
Mag-uumaga nay
Gising pa ang diwa sa tudla ng araw!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest