Kasi nga mga suki! Ang dating magkakaibigang talent manager at mga movie producers ay kanya-kanyang pukulan ng reklamo. Dahil ayon sa kanila hindi naging patas ang mga hurado kung kayat ang mga nanalo ay pawang huwad. Niluto nga ba? He-he-he!
Paniwalang paniwala kasi ang isang talunang movie producer na aani nang maraming award ang kanyang pelikula. Sa kadahilanang pawang magagaling ang kanyang nakuhang mga artista at milyun-milyong salapi ang ginastos upang makalikha ng mataas na kalidad na pelikula. Kung sabagay, talaga namang magaganda ang quality ng mga pelikulang isinali sa naturang festival. Di ba mga suki! He-he-he!
Halos lahat ng mga sinehan na aking nadaanan ay talaga namang pinipilahan ng mga movie goers, at karamihan sa mga nakapanood ay talaga namang walang mapagsidlan sa tuwa. Maging ang mga kabataan ay ginagaya pa ang mga aksyong kanilang napanood at iniidolo ang mga artistang Pinoy.
Subalit sa likod ng kasiyahan ng mga Pilipinong mahilig tumangkilik sa mga naturang palabas ay may napipintong kaguluhang pagkawasak at pagbagsak ng industriya ng pelikulang Pilipino sa kadahilanang ayaw nang sumali ang ilang producer sa naturang festival, dahil umano sa hindi magandang pamamalakad ng MMFF sa ilalim ng pamumuno ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando.
Ito na marahil ang bunga ng hindi magandang pamamalakad ng ilang samahan sa movie industry sa bansa ayon sa nakausap kung si Police Superintendent Jimmy Tiu ng Manila Police District. Si Tiu ang bagong halal na pangulo ng Filipino Aca- demy of Movie Arts and Sciences, Inc. (FAMAS) ay nanghihinayang sa pagka-itsa puera sa kanyang samahan.
Malaki umano sana ang maitutulong ng kanyang samahan kung sila ay napasama sa Committee ng naturang pa-contest dahil pawang mga beterano na sa sining ang kanilang hanay. Napag-alaman umano ng MMFF na may gusot sa dating pangulo ng FAMAS kung kayat di sila isinama sa mga committee.
At dahil sa naturang pangyayari nadismaya ang buong samahan ng FAMAS at silay nanawagan na tigilan na muna ni Mr. Art Padua ang panggugulo sa kanilang samahan upang kanilang maituwid ang pamamalakad nang sa gayon ay makatulong sa mga artistang Pinoy.
Ayon pa kay Tiu "na dismissed na ang kasong isinampa ni Padua sa grupo ko ng kusa nitong hilingin sa Korte sa pagbasura sa kanyang isinampang reklamo, kung kaya wala na siyang dapat pang i-akusa laban sa akin at sa buong samahan ng FAMAS. Huwag na niya kaming guluhin upang aming maipagpatuloy ng maayos ang samahan at upang maisaayos na ang takbo."
O, Mr. Padua dinggin mo ang kanilang panawagan, tama na yang pataasan ng ere ng kayoy makatulong sa ating mga artista at sa bu- ong industriya ng sining at habang nagmamatigas kayo marami ang naapektuhan. Bukas ang column na ito para sa iyong kasagutan Mr. Padua Sir.
Noong nakalipas na December 20, 2005 kabilang ako sa naging saksi sa Induction ng bagong set of officers ng FAMAS na ginanap sa may Golden Fortune Seafoods Restaurant sa T.M. Kalaw St., Ermita, Manila.
Naging pangunahing panauhin pandangal at induction Officer si Pagsanjan Mayor George (ER) Estregan Ejercito. Si ER din ang kasalukuyang pangulo ng Kapisanan ng mga Artista ng Pilikulang Pilipino (KAPP). Pormal na hiniling ni ER sa bagong opisyal ng FAMAS na tulungang maibangon ang dating sigla ng samahan ng mga atistang Pinoy.
Para sa kaalaman ninyo mga suki! Narito ang mga bagong halal na mga opisyal ng FAMAS: Jimmy Tiu, President; Adolfo Sangalang, Jr., Vice President; Maria Fe Aguinaldo, Treasurer; Mildred Pasco, Auditor; Nap Alip, PRO; Rody Pisuena, Marshall.
Ang mga Board of Trustees ay sina Charlie Arce- ga, Joe Lad Santos, Chit Sambile, Rudy Ner Siongco, Antonio Robles, Salvador Almario, Sanny Cabedo at ang kanilang Legal Coun-sels ay sina Atty. Arsenio Bonifacio at Atty. Elenida Anola.