^

PSN Opinyon

‘Touch and Go’ in, ‘no touch’ out!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SA Sabado, February 4, 2006, ang ika-41st Public Installation ng mga officials ng Laong-Laan Lodge #185 ng Free and Accepted Masons of the Philippines para sa Masonic Year 2006-2007 sa Capitol Masonic Temple, 15 Makatarungan St., corner Kalayaan Ave., Central District Diliman, Quezon City.

Si MIAA general manager ang panauhin pandangal sa nasabing pagtitipon.

Sina Atty. Biong Garing, ang Worshipful Master ng Laon-Laan Lodge 185, Bro. Sonny Regala, Senior Warden, Bro. Danny Gutierrez, Junior Warden, Bro. Gene Cortez, Treasurer, Bro. Beda Epres, Secretary at Bro. Johnny Flaviano, Auditor.

Sa lahat ng mga kasaping miyembro sa Laong Laan Lodge 185 mabuhay kayo!

Ang isyu, personal na nakita at naramdaman ni MIAA general manager Al Cusi ang kinalabasan ng magulong sistema ng sanitized baggage policy na ipinatupad kamakailan sa departure area ng NAIA Terminal 1 at 2 para sa seguridad ng mga departing passengers going abroad.

Maganda ang sanitized baggage policy pero hindi ito angkop sa NAIA kasi domestic airport lang ang dating nito kumpara sa mga international airport sa aboard este mali abroad pala.

Ika nga, maliit ang NAIA pero sangkaterba ang departing passengers na umaalis todits.

Kaya ang naging problema sa new policy ay inulan ito ng batikos at protesta dahil magulo at nakakalito ito.

Ayon sa Airline Operators Council nagkaroon ng delay sa kanilang flights dahil sa ginawang 6 hours dry run sa NAIA noon Miyerkules.

Kaya naman nakipagpulong si Al sa grupo ng AOC para maayos ang problems.

Ang napagkasunduan sa meeting ay tapyasin ang ‘‘No touch’’ policy at ipalit ang ‘‘touch and go’’ policy.

Ang sanitized baggage scheme o ‘‘no touch’’ policy kasi ay nagbabawal na sa isang departing passenger na hawakan niya muli ang kanyang luggage kasama ang handcarried baggage kapag dumaan na sa x-ray machine ang porters sa airport ang magsasalansan nito sa push cart papunta sa airline check-in counter bibigyan na lamang ng security numbered tag ang pasahero para kunin naman niya ang kanyang handcarried luggage oras na nasa boarding gate na ito para sumakay sa eroplano.

That’s a very ‘‘No, No’’ para sa pasahero!

Ito ang hindi gusto ng mga pasahero at AOC dahil sa dami ng mga bagahe tiyak magkakaroon ng kalituhan at makakabalam pa sa operasyon ng airlines.

Ika nga, may delay.

Sa bagong sistema ipatutupad ngayon sa NAIA ang ‘‘touch and go’’ policy, paglabas sa x-ray machine ng bagahe ng isang departing passenger lalagyan na ito ng security strap (plehe) at mismo ang pasahero ang magdadala nito sa airline counter para i-check-in.

Pero kung magkaroon ng problema ang pasa- hero dahil sa wala siyang pambayad sa kanyang excess baggage puwede niyang pakiusapan ang airline counter at tutulungan siya ng mga securities para bawasan ang excess nito at babalik ulit sa security counter para lagyan ulit ng panibagong security strap.

‘‘Bakit daming pautot ngayon sa airport?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘MIAA ang nagpapatupad nito sa rekomendasyon ng US Home Land Security at ICAO’’ sagot ng kuwagong linis tubo sa Baclaran.

‘‘Hindi ba sa mga US of A bound airlines lang dapat itong gawin’’ naiinis na sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Dapat kaya lang nilahat sa NAIA.’’

‘‘Bakit?’’

‘‘Para masigurong walang mangyayari sa mga pasahero habang nasa ere’’

‘‘Diyan kamote tama ka!’

AIRLINE OPERATORS COUNCIL

AL CUSI

BAKIT

BEDA EPRES

BIONG GARING

CAPITOL MASONIC TEMPLE

CENTRAL DISTRICT DILIMAN

DANNY GUTIERREZ

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with