Pagpapagaling
January 13, 2006 | 12:00am
NABANGGIT ko sa nakaraang kolum na aking misyon ay ang pangangaral o pagpapahayag ng Mabuting Balita, pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Sa Ebanghelyo sa araw na ito, habang nangangaral si Jesus, may dinala sa kanyang isang paralitiko. At dahil sa nakita niyang pananalig nito at ng mga taong nagdala sa paralitiko, ang lalakiy napagaling (Mark 2:1-12).
Bumalik si Jesus sa Capernaum pagkalipas ng ilang araw, at kumalat ang balitang siyay nasa kanyang tahanan. Kaya nagtipon ang napakaraming tao, anupat wala nang matayuan kahit sa labas ng pintuan. Samantalang nangangaral si Jesus, may idinating na isang paralitikong dala ng apat katao. Hindi nila ito mailapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, kayat binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, pinatatawad na ang mga kasalanan mo." May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito: "Bakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi bat Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?" Alam ni Jesus ang kanilang iniisip, kayat sinabi niya, "Bakit kayo nagsasaloob ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: Ang sabihin sa paralitiko, "Pinatatawad na ang mga kasalanan mo," o ang sabihing, "Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka"? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan." Sinabi niya sa paralitiko, "Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!" Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Silay pawang naggilalas at nagpuri sa Diyos. "Hindi pa kami nakakikita ng ganito!" sabi nila.
Hindi lamang pisikal na pagpapagaling ang ginawa ni Jesus; binigyang-diin din niya ang pagpapagaling na espiritwal - ang pagpapatawad sa mga kasalanan. At sa atin ding pagpapagaling sa iba, sa anumang aspeto o kaparaanan pisikal, emosyonal, sikolohikal mainam din nating bigyan ng pansin ang espiritwal na pagpapagaling. Nangangahulugan, tulungan din natin ang taong maysakit na magbalik-loob sa Diyos, kundi man mapatatag ang pananalig sa Diyos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest