Kung hindi magsusumbong, dadami ang biktima
January 13, 2006 | 12:00am
PAGPASOK pa lamang ng 2006 ay kabi-kabila na ang mga bilang ng karahasan na nangyayari sa lansangan.
Maituturing na hind na nga ligtas sa mga pangunahing lansangan dahil na rin sa patuloy na pamamayagpag ng mga kawatan at hindi pa rin tumitigil sa kanilang pangbibiktima.
Isa na rito ay ang tumataas na bilang ng mga nabibiktima ng mga holdapan at mga snatcher at humahantong pa sa pagpatay sa ilan sa kanilang mga biktima.
At ang dahilan ng mga ito ay ang kumokonting bilang ng mga nagsusumbong at nagrereport ng mga krimen maging sila man ay biktima o naging saksi.
Mula sa isang survey, na isinagawa ng Social Wea-ther Station (SWS) sa ilang mga kababayan natin sa Kamaynilaan, walo sa 10 ang nabiktima o naging saksi ang hindi na nagre-report sa mga alagad ng batas.
Nakababahala ang mga ganitong estatistika dahil higit na kinakailangan ng mga alagad ng batas ang ilan sa mga sumbong o tips na nagiging daan upang masulosyunan ang mga kaso ng kriminalidad.
Dahil dito, lumakas lamang ang loob ng mga kawatan at kriminal na ituloy ang kanilang ibat ibang modus upang makapang-biktima.
Malaki ang magiging bahagi ng bawat isa kung magkakaroon lang ng sapat na lakas ng loob na isumbong ang anumang uring kriminalidad.
Dito, liliit ang mundong iniikutan ng mga kawatan at kriminal at hindi magtatagal ay mahuhulog din sila sa ating BITAG.
Hotline numbers, i-text (0918)9346417/ (0927) 8280973 o tumawag sa mga numerong 932-8919/932-5310. Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 a.m at panoorin ang programang BAHALA SINA BEN AT ERWIN TULFO Monday-Friday, 9:00-10:30 a.m. sa UNTV 37.
Maituturing na hind na nga ligtas sa mga pangunahing lansangan dahil na rin sa patuloy na pamamayagpag ng mga kawatan at hindi pa rin tumitigil sa kanilang pangbibiktima.
Isa na rito ay ang tumataas na bilang ng mga nabibiktima ng mga holdapan at mga snatcher at humahantong pa sa pagpatay sa ilan sa kanilang mga biktima.
At ang dahilan ng mga ito ay ang kumokonting bilang ng mga nagsusumbong at nagrereport ng mga krimen maging sila man ay biktima o naging saksi.
Mula sa isang survey, na isinagawa ng Social Wea-ther Station (SWS) sa ilang mga kababayan natin sa Kamaynilaan, walo sa 10 ang nabiktima o naging saksi ang hindi na nagre-report sa mga alagad ng batas.
Nakababahala ang mga ganitong estatistika dahil higit na kinakailangan ng mga alagad ng batas ang ilan sa mga sumbong o tips na nagiging daan upang masulosyunan ang mga kaso ng kriminalidad.
Dahil dito, lumakas lamang ang loob ng mga kawatan at kriminal na ituloy ang kanilang ibat ibang modus upang makapang-biktima.
Malaki ang magiging bahagi ng bawat isa kung magkakaroon lang ng sapat na lakas ng loob na isumbong ang anumang uring kriminalidad.
Dito, liliit ang mundong iniikutan ng mga kawatan at kriminal at hindi magtatagal ay mahuhulog din sila sa ating BITAG.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended