Bulag-bulagan at bingi-bingihan
January 12, 2006 | 12:00am
MAAGA pa lang ang pasok ng bagong taon pero pangitang-pangita na walang pag-asa sa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.
Kung noong umpisa ay medyo umaasa pa tayo dahil nga kapapasok lang ng taong 2006, ngayon ay obvious na obvious na dahil bukod sa patuloy nga na pambobola sa sambayanan sa pamamagitan ng press releases na umuunlad ang ekonomiya natin samantalang kabaligtaran naman ang nangyayari at lalong pahirap ang dadanasin ng ating mga kababayan maliban sa mga kaalyado, kakampi, katsokaran, kasabwat, kamag-anak o kasundo ng administrasyon.
Pinaka-obvious na dahilan ay ang sinasabi ng National Economic Development Authority o NEDA na hindi nila makita ang poorest of the poor o ang mga tunay na mahihirap sa ating lipunan.
Ito ay pagkatapos silang tanungin kung saan nila ilalagay ang P35 billion na sumobra raw o natipid ng Malacañang kung saan ngayon ay playground na ng apo ni Madam Senyora Donya Gloria.
Ayon sa NEDA ay hindi nila makita ang poorest of the poor dahil kahit daw mga squatter ay may mga naipundar na mga television o stereo at maaaring hindi ganoon kabigat ang pangangailangan.
Halatang-halata na nagbubulag-bulagan o di kayay nagbibingi-bingihan sila. Hindi naman kasi natin masasabi na nakatira sila sa IVORY TOWER dahil wala namang torre rito sa atin o mataas na building na hindi na nila alam ang nangyayari sa labas ng magaganda at marangyang mga opisina at tahanan nila.
Saka sa tindi ng kanilang monitoring ay tiyak namang nasasabihan sila kung saan nakatira ang mga tunay na dukha o mahihirap sa ating lipunan, puwera na lang kung ang mino-monitor lang nila ay ang mga kalaban ng administrasyon o yung mga may tapang pang punahin sila.
Of course, kung inyong lingkod ang kanilang nais i-monitor, sige lang ho at kung nais pa ninyo ay tawagan nyo lang ho ang inyong lingkod para sa aking daily schedule. Wala ho akong tinatago na gaya ng mga malalapit sa kusina at nadudungisan na ng uling pero panay lang ang punas at dahil sa salapi ng bayan na tinatapon ay natatakpan ang pangungurakot.
Anyway, para sa kaalaman ng Malacañang at NEDA o iba pang mga opisina ng administrasyon, bakit ho hindi kayo mag-ikot diyan sa government center diyan sa Quezon city kung saan makikita nyo ang mga taong higit pa ho sa alagang Pony ni Mikaela ang kinatitirahan.
Para ho sa inyong kaalaman, ni wala ho silang bubong na masisilayan bukod sa mga plastic na napupulot nila. Ang higaan naman ho nila ay mga karton na naihingi nila.
Ilang kalye ho yan diyan sa may government center o malapit diyan sa may National Electrification Administration o NEA ang naging tirahan ng mga pamilya diyan na ang mga anak na sanggol naman ay nakatira sa loob ng mga kulungan ng mamahaling manok o panabong na manok.
Ulanin at arawin ho sila riyan at ni hindi nila alam kung saan nila kukunin ang kanilang susunod na kakainin.
Madam Senyora Donya Gloria at mga alipores niya, isang lugar lang ho iyan. Malapit ho sa Malate, Manila, ilang kilometro lang ho mula sa Palasyo ninyo ay meron namang lugar kung saan nakaparada ang napakaraming mga kariton na siyang gumagala sa Maynila at kumukuha ng basura.
Sa gabi ho ay tirahan yang mga yan. Yun ho ang kanilang munting tahanan at nakakalamang lang sila ng konti sa mga taga-QC dahil meron silang mga kariton.
Dalawang lugar lang ho yan na nabanggit namin. Maraming marami pa ho ang mga squatters colonies hindi lang ho sa Metro Manila kung hindi sa buong Pilipinas.
Wala na hong lugar na hindi tinitirahan ng ating mga kababayan, sa ilalim ng tulay, sa tabi ng ilog, sa tabi ng mga pader ng mga malalaking mga tahanan, sa gilid ng kalye at iba pang lugar na tirahan ho ng mga aso sana o ibang hayop.
Buksan nyo lang ang inyong mga mata, makinig lang kayo at makikita nyo at maririnig ang hinaing at panaghoy ng ating mga kababayan na patuloy ang pagdurusa.
Ngayon, kung nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan naman kayo huwag sanang matuluyan kayong mabulag o mabingi.
Tantanan nyo ang pambobola, kahit na konting tulong ay matutuwa ang mga kababayan nating mga yan.
Abangan ho natin itong mga ginawang mga panibagong assignment sa AFP na ginawa ng Malacañang. Pati ho mga kasabuwat nitong si dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano ay nabigyan ng pabuya at nilagay sa magandang puwesto.
Mababang-mababa ang morale ng ating mga kaSundaluhan na siya namang nakakabahala.
Sabagay, palagay naman ng mga taga-Malacañang lahat ng tao ay yuyuko at susunod na sa kanila. Tingnan na lang natin dahil paglalaro na ng apoy itong ginagawa nila.
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended