Mula sa sinagoga, silay nagtuloy sa bahay nina Simon at Andres. Kasama nila sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at itoy agad nilang sinabi kay Jesus. Nilapitan ni Jesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon diy inibsan ito ng lagnat at naglingkod sa kanila.
Pagkalubog ng araw, dinala kay Jesus ang lahat ng maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya.
Madaling-araw pay bumangon na si Jesus at nag-tungo sa isang ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at ng kanyang mga kasama. Nang siyay matagpuan, sinabi nila, "Hinahanap po kayo ng lahat." Ngunit sinabi ni Jesus, "Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makapangaral ako roon ito ang dahilan ng pag-alis ko sa Capernaum." At nilibot niya ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.
Bilang pagsunod kay Jesus, ang ating misyon ay: Ang pangangaral ng Mabu-ting Balita, ang pagpapagaling ng mga maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo.
At itoy maaaring gawin sa ibat ibang kaparaanan. (Sa susunod na kolum, ito ang aking bibigyan ng diin at detalye.)