^

PSN Opinyon

Pagmimisyon

- Jose C. Blanco S.J. -
NANG pumasok ang 2006, ang mga problemang nakita, naranasan at nakaharap noong 2005 ay nagpapatuloy pa rin. At dahil sa ganoon na nga, hindi dapat mawala sa atin ang perspektibo ng ating mga gawain. At ang perspektibong ito —- ang ating misyon dito sa lupa — ang nilalaman ng Ebanghelyo para sa araw na ito (Mk. 1:29-39).

Mula sa sinagoga, sila’y nagtuloy sa bahay nina Simon at Andres. Kasama nila sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at ito’y agad nilang sinabi kay Jesus. Nilapitan ni Jesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon di’y inibsan ito ng lagnat at naglingkod sa kanila.

Pagkalubog ng araw, dinala kay Jesus ang lahat ng maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya.

Madaling-araw pa’y bumangon na si Jesus at nag-tungo sa isang ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at ng kanyang mga kasama. Nang siya’y matagpuan, sinabi nila, "Hinahanap po kayo ng lahat." Ngunit sinabi ni Jesus, "Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makapangaral ako roon — ito ang dahilan ng pag-alis ko sa Capernaum." At nilibot niya ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.


Bilang pagsunod kay Jesus, ang ating misyon ay: Ang pangangaral ng Mabu-ting Balita, ang pagpapagaling ng mga maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo.

At ito’y maaaring gawin sa iba’t ibang kaparaanan. (Sa susunod na kolum, ito ang aking bibigyan ng diin at detalye.)

ANDRES

BILANG

CAPERNAUM

EBANGHELYO

GALILEA

HINAHANAP

HINANAP

SIMON PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with