Habang nagsasaya ang MPD kahol nang kahol si Louis Ponga Jr.
January 11, 2006 | 12:00am
SUMIGLA ang pagdiriwang ng 105th founding anniversary ng Manila Police District (MPD) noong Lunes nang biglang sumipot sa okasyon si President Arroyo. Siyempre pa, binati ni President Arroyo ang mga panauhing pandangal at mga bisita lalo na sina PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao, NCRPO chief Dir. Vidal Querol at QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan. Maraming kinausap si GMA pero hindi ko naman alam kung may kinalaman dito ang balasahan sa gobyerno o sa PNP at kung tungkol ito sa lumalagong ekonomiya. Kaya kuntento ang mga pulis-MPD sa pagdalo ni GMA ng kanilang okasyon, kahit itoy panandalian lamang. Kaya kahit nakaalis na si GMA, makikita pa sa mukha ng mga dumalo ng okasyon ang kasayahan na hindi maaaring tumbasan ng kahit isang bayong pang salapi, he-he-he! Nagtugma ang prediksiyon ng taga-MPD na bubuwenasin sila sa 2006 na Year of the Dog!
Simple lang ang ginanap na handaan dahil ginawa lang ito sa harap ng MPD headquarters sa UN Avenue. Nais ko ring batiin ang mga awardees ng okasyon na kung hindi dahil sa kanila eh baka malasin na ang MPD. Siyempre, kasama na i-congratulate ko si Supt. Danilo Estapon, ang hepe ng Station 5 na napiling Station of the Year. Ang naguna sa awardees ay si Sr. Supt. Danilo Abarsoza, bilang senior staff officer. Ang iba pang binigyan ng awards ay sina Sr. Rafael Corpuz, station commander of the Year; Sr. Insp. Pol Mangilinan, senior investigator of the year; at Sr. Insp. Dominador Arevalo Jr., ang hepe ng homicide section na pinarangalan dahil sa kanyang honesty sa pagsoli ng P150,000 na napulot niya sa Malate. May 31 grupo at lider ng malalaking negosyo ang binigyan ng Community service award at 12 katao ang inabutan ng Kaibigan awards at 86 barangay officials naman ang pinarangalan dahil sa pakipagtulungan nila sa pulis-ya para maging mata-himik ang Maynila.
Habang nagsasa-ya ang taga-MPD, aba masaya rin si Louis Ponga Jr., ang financier ng saklaan sa Diviso-ria at Tondo dahil walang pulis na hahabol sa illegal na negosyo niya. Kaya kahol nang kahol si Ponga noong Lunes. At sa pagkahol ni Ponga, sinabayan siya nina Boy Abang, Apeng Sy at alyas Razon o Tom Saqueza ang mga financiers naman ng nagkalat na bookies ng karera sa kaharian ni Manila Mayor Lito Atienza. Hindi lang kasi ang anibersaryo ng MPD abala ang kapulisan noong Lunes kundi maging sa pagselebra ng fiesta ng Black Nazarene sa Quiapo. Kaya kung buwenas ang MPD sa pagpa-sok ng Year of the Dog, aba ganun din sina Ponga, Apeng Sy, Boy Abang at Tom Saqueza. Dapat alamin nina Lomibao at Querol kung sino ang tinutukoy ni Ponga na direktang kausap niya at inaabutan ng P135,000 lingguhang intelihensiya para hindi magalaw ang illegal na negosyo niya sa Maynila.
Bago ko pala makalimutan, kasama sa binigyan ng Heroes award si GMA, Lomibao, Querol, Supreme Court Justice Renato Corona, Pagcor chairman Ephraim Genuino, PSG chief Brig. Gen. Delfin Bangit, Manila First Lady Bing Atienza at Dir. Mohammad Tanggote ng OMA. Nagkaroon din ng photo exhibit na ang tema ay ang MPD in action sa community building na tinangkilik naman ng mga Manilenyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest