^

PSN Opinyon

Bisa ng notaryadong dokumento

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
BINILI ng mag-asawang Fidel at Elena ang palayan na pag-aari ng kanilang tiyahin na si Lumeng. Notaryado ang Deed of Sale ng palayan noong November 24, 1989. Mapayapa at walang batid na namusesyon at tinanggap ng mag-asawa ang ani ng palayan. Nailipat at nairehistro na rin ito sa kanilang pangalan.

Subalit noong 1992, naghain si Lumeng ng reklamo sa Regional Trial Court (RTC) upang ipawalang-bisa ang Deed of Sale ng palayan. Ayon kay Lumeng, wala raw siyang kaalaman at pahintulot nang mailipat ang kanyang palayan kina Fidel at Elena. May panloloko raw si Fidel nang isingit nito ang Deed of Sale ng palayan sa mga dokumento tungkol sa paglilipat ng kanyang bahay at lupa at camarin sa kanyang ampon na si Dado, kaya hindi niya napansing napirmahan niya rin ito. Samantala, sa reklamong inihain ni Lumeng, nakasaad dito na binasa lamang niya ang dokumentong Deed na pabor kay Dado dahil pinaniwala niyang ang lahat na dokumento na nasa ilalim ay mga kopya nito. Sa Korte, inihayag ni Lumeng na bilang isang 79 taong gulang nang pirmahan daw niya ang Deed of Sale, hindi na raw niya mabasa at maintindihan ang wikang Ingles na ginamit dito. Ayon daw sa Article 1332 ng Civil Code, bilang partido ng Deed of Sale, kapag hindi raw siya marunong bumasa o kaya naman ang kontrata ay nasa wikang hindi niya naiintindihan, at may pagkakamali o panlilinlang dito, kinakailangang patunayan nina Fidel at Elena bilang siyang nagpapatupad ng Deed, na lubos na naunawaan at naipaliwanag ito sa kanya. Kaya, ayon kay Lumeng, kahit na notaryado ang nasabing Deed of Sale, hindi ito maaaring maituring na naisagawa. Tama ba si Lumeng?

MALI.
Ang testimonya ni Lumeng na hindi siya marunong bumasa at makaintindi ng wikang Ingles ay taliwas sa nakasulat sa kanyang reklamo kung saan nabasa naman niya ang Deed pabor kay Dado na nasa ibabaw ng mga kopya nito. At dahil walang iba pang ebidensya na magpapatunay sa mga alegasyong ito ni Lumeng, hindi maaaring ipatupad ang sinasabi ng Article 1332 ng Civil Code.

Sa katunayan, ang notaryadong dokumento ay itinuturing na dokumentong publiko kaya ito ay tinatanggap na ebidensya at hindi na kinakailangan pang patunayang ito ay totoo at naisagawa. Subalit nagkulang si Lumeng na salungatin ang pagpapalagay na ito (De la Cruz vs. Spouses Sison, G. R. 163770, February 17, 2005. 451 SCRA 754).

vuukle comment

AYON

CIVIL CODE

DEED

DEED OF SALE

ELENA

LUMENG

NIYA

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with