^

PSN Opinyon

Walang piyansa kay Rey Jaylo

SAPOL - Jarius Bondoc -
SUMAMPA na sa Korte ang dalawang mabigat na habla laban kay retired police officer Reynaldo Jaylo, at inimpormahan na ang Malacañang tungkol dito. Ang kaso: serious illegal detention at qualified bribery — parehong walang piyansa — at usurpation of authority.

Napakasaklap ng paglagapak ni Jaylo mula sa makulay na serbisyo sa pulis tungo sa kalaboso. Matapos sa pulis, nagsilbi rin si Jaylo sa NBI. Hanggang Hulyo 2005 hepe rin siya ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force, espesyal ng unit na tagatugis sa illegal recruiters at human smugglers.

Sa PAIRTF nasira ang career ni Jaylo. Maraming legal recruiters na umangal ng pangingikil ng PAIRTF sa airport. Binuwag tuloy ito ni Pres. Gloria Arroyo.

Ang masaklap, ayon sa imbestigasyon ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco, hindi tumigil ang PAIRTF sa operasyon. Patuloy itong nanghuli ng illegal recruiters at mga biktima nila. At masama pa, ani Velasco, kinukulong pa ang recruiters at biktima hanggang sumuka ng suhol para sa kalayaan. Dalawang "opisina" ng nabuwag na PAIRTF ang ni-raid ng NBI, at may mga tao na matagal nang nakakulong sa karsel.

Sa pagpatuloy mag-operate ni Jaylo, kinasuhan siya ng usurpation. Wala na kasi siyang kapangyarihan pero ginagamit pa niya – na labag sa batas. At dahil sa pagkulong at pagkikil, nakasuhan siya ng illegal detention (parang kidnapping) at qualified bribery (mas mabigat dahil sapilitan ang pagkikil). Ito ang dahilan, ani Judge Nina Valenzuela ng Manila regional trial court, kung bakit walang piyansa sa warrant of arrest.

Ang warrant ay ibinigay sa PNP at NBI. Ibig sabihin, mga dating kasamahan ni Jaylo ang huma-hunting sa kanya. Alam niya kung gaano kasugid ang mga ito, kaya siguro siya nagtatago. May kopya rin siyempre ang Malacañang, Dept. of Justice, Dept. of Labor, POEA at OWWA – mga opisina kung saan dati ma-impluwensiya si Jaylo.

Ang leksiyon dito: pakaingatan lagi ang sariling reputasyon.

vuukle comment

ALAM

BINUWAG

GLORIA ARROYO

HANGGANG HULYO

JAYLO

JUDGE NINA VALENZUELA

MALACA

PRESIDENTIAL ANTI-ILLEGAL RECRUITMENT TASK FORCE

REYNALDO JAYLO

SENIOR STATE PROSECUTOR EMMANUEL VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with