^

PSN Opinyon

GMA naipit sa No-El

SAPOL - Jarius Bondoc -
BILANG kasapi ng Consultative Commission on Charter Amendments, wala akong nakitang tahasang pakana ng Administrasyong Arroyo para sa No-El (no election sa 2007). Kung tutuusin nga, ang pakiwari ko’y ayaw ni Presidente Gloria Arroyo nito. Nu’ng unang linggo ng Con-Com, nagpa-dinner siya sa amin sa Malacañang, at nag-umpukan ang lima sa amin sa kanya. Umuugong na noon ang nais na No-El ng ULAP (Union of Local Authorities of the Phil.), samahan ng mga gobernador, bise, mayor, board member at konsehal. Ani GMA, okey lang paikliin ang termino niya kung ‘yon ang naisin ng taumbayan sa plebisito sa bagong Konstitusyon. Pero asiwa siyang putulin o pahabain ang termino ng iba pang opisyales.

Pero nang ilahad sa Con-Com ang No-El nu’ng huling linggo, may mga kasaping bumulong na ‘yon ang nais ng Malacañang. Kung sino sa Palasyo, hindi naman nila sinabi. Duda ko, naggagaling-galingan lang sila. Kasi kasama sa kontra No-El ‘yung mga alam kong malapit kay GMA.

Tapos na lahat ‘yon. At binabatikos ang buong Con-Com dahil sa pananaig ng No-El sa manipis na botong 22-19. Pati si dating Presidente Fidel Ramos ay galit na tinawag itong malaking pagkakamali.

Hindi masisisi ang bumabatikos sa Con-Com na rubberstamp lang pala ni GMA. Ang sumalba kasi kay GMA nu’ng krisis ay mga kongresista (kontra impeachment) at local officials (kontra rallies). Sila rin ang unang makikinabang sa No-El. Palalawigin ang mga termino nila hanggang 2010 nang walang halalan. Tila suhol ni GMA sa kanila hindi lang para ipasa ang bagong Konstitusyon, kundi para din panatilihin sila sa puwesto.

Kontra ang No-El sa pakay ni FVR. Nang makisalba siya kay GMA sa krisis nu’ng Hulyo, sinabi niya na isulong ni GMA ang Charter changes nitong 2006. Tapos, aniya, magbitiw si GMA sa 2007 sabay ng halalan para sa unang Parliament at local officials sa ilalim ng bagong Konstitusyon. Hindi ‘yon mangyayari sa No-El scenario. Kaya nagpahiwatig si FVR na titiwalag siya sa Administrasyon kung isulong pa rin ni GMA ang No-El.

Ipit si GMA ngayon. Kailangan siyang pumili ng papaboran: Si FVR na nais ng pagbabago, o mga kongresista at local execs na hayok sa poder. Nagkaroon siya ng sakit ng ulong hindi naman niya kailangan.

ADMINISTRASYONG ARROYO

CHARTER AMENDMENTS

CON-COM

CONSULTATIVE COMMISSION

GMA

KONSTITUSYON

MALACA

NO-EL

PERO

PRESIDENTE FIDEL RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with