Ito raw ay swerte ang sabi ng iba;
Ayos ng numero ay waring maganda
Kapag isinulat papasok ang pera!
Sana ngay ganito maging kapalaran
Ng ating daigdig sa kapayapaan;
Tingnan mo ang sais bilang katunayan
Buntot sa itaas duloy bilog naman!
Sa mga magaling manhulat magsabi
Ang numero sais ay may dalang swerte;
Kaakibat nitoy gawaing mabuti
Sa masamang bisyoy di ka magagawi!
Di katulad noong nakaraang taon
Ang huling numero ay hugis patapon;
Masdan mo ang sais pabilog ang puson
Sa numero singkoy kaiba ang misyon!
Sana nga sana nga itong aking haka
Ay hindi magbunga ng masamang nasa;
Isa-pusot isip ay magandang gawa
Upang ang daigdig maging mapayapa!
At sino ang hindi magnanais ngayon
Ng kapayapaang laging nilalayon?
Kung naging magulo nagdaang panahon
Sa numero 6 titino ang nasyon!
Ito ang hangaring hindi nawawaglit
Sa maraming pusong tapat kung umibig
Dating kaguluhan ay ating iwaglit
Upang lumigaya ang ating daigdig!
At ang mahalaga ngayong taong ito
Dapat magmahalan ang lahat ng tao;
Kailangan ngayon nitong buong mundo
Dakilang pag-ibig na hasik ni Kristo!