^

PSN Opinyon

Himala ng mahal na Nazareno

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BUKAS ay piyesta sa Quiapo. Libu-libong deboto ng Nuestro Señor Jesus Nazareno ang dadagda sa simbahan ng Quiapo para makiisa sa sunud-sunod na banal na misa at makikipagprusisyon.

Marami ang nagpatunay na talagang mapaghimala ang Nazareno. Isa si Vice President Noli de Castro na mula pa noon hanggang sa marating niya ang kasalukuyang estado niya sa buhay ay deboto na ng Nazareno.

Si Mayor Lito Atienza ng Maynila ay isa rin sa masugid na sumasampalataya sa Black Nazarene. Inamin ng mayor na ang Nazareno ang kanyang naging gabay lalo na ng pumalaot siya sa pulitika.

Isang kaibigan ko ang nagpatutoo sa himala ng mahal na Nazareno. Agaw-buhay ang kanilang tatlong-taong gulang na anak. Nagkukumbulsyon ito. Tinanggihan na ng doktor kaya sa labis na kapighatian at dala na rin ng maalab na pananampalataya ay dali-dali nilang dinala ang anak sa Quiapo at taimtim silang nanalangin. Napuna ng ina na dumilat ang anak at humingi ng ‘‘dede’’ at agad niyang pinasuso. Pinagpawisan ang bata at nawala ang lagnat at lumakad siya sa may altar na ngumingiti na animo’y nakikipaglaro siya sa mga anghel sa simbahan.

Naging panata ng mag-asawa na tuwing pista ng Nazareno ay magsisimba sila, umiilaw at sumasama sa prusisyon at walang patid ang pasasalamat nila sa Nazareno.

vuukle comment

AGAW

BLACK NAZARENE

INAMIN

ISA

ISANG

JESUS NAZARENO

NAZARENO

NUESTRO SE

SI MAYOR LITO ATIENZA

VICE PRESIDENT NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with