^

PSN Opinyon

Unholy alliance?

- Al G. Pedroche -
ANG pinakamalaking controversial political news na bumulaga sa atin sa umpisa ng taong ito ay ang sikretong pakikipagpulong ni dating Presidente Fidel Ramos sa mga leader ng oposisyon na kinabibilangan nina Senate President Franklin Drilon at dating Senador Tito Sotto.

Ipinapalagay ng ilang political observers na ito’y pagkalas ni "Tabako" (bansag kay Ramos) sa kampo ni Presidente Arroyo. Nagkaroon ng mga espekulasyon na bumubuo na ng triumvirate ng mga ex-presidents tulad nina Ramos, Cory Aquino at Joseph Estrada para manguna sa isang transition government na ipapalit sa patatalsiking rehimeng Arroyo. Sabi naman ng Malacañang, walang masama sa ginawa ni Tabako. Layunin lang daw nito na mamagitan sa oposisyon at administrasyon sa pagkakaroon ng pambansang pagkakaisa. At maging si Tabako ay nagsabing hindi siya makikipag-alyansa sa oposisyon. Sa halip, kung gusto ng oposisyon "sila ang makipag-alyansa sa akin". Mayroon nga kayang hidden agenda si Tabako? To use Tabako’s’ own expression "abangan".

Si Rep. Imee Marcos (na kung tutuusin ay malayong pamangkin ni Tabako) ay nagbababala sa kanyang mga kasamahan sa oposisyon: "Huwag magtiwala kay Ramos." Ang tingin ni Imee kay Tabako ay isang "trojan horse".

Sa Greek mythology, ang hukbong Griego ay nagpadala ng dambuhalang rebultong kahoy na kabayo sa mga kalaban sa Troy. Kunwa’y peace offering. Nagtiwala ang pamunuan ng Troy sa pekeng intensyon ng mga Griego. Tinanggap ang regalo at pinapasok sa kanilang teritoryo. Yun pala, may nakapaloob sa rebulto na mga mandirigma. Sumapit ang gabi at habang nahihimbing ang mga Trojans (tawag sa mga taga-Troy), naglabasan mula sa kabayo ang mga mandirigma at sumalakay sa mga Trojans na walang kalaban-laban. Hangga ngayon, ginagamit ang terminolohiyang "trojan horse" na ipinatutungkol sa mga kahinahinalang propositions o alok ng pakikipag-alyansa ng isang kalaban.

Ano man ang tunay na motibo ni Tabako, mabuti man o masama sa pananaw ng iba, sana ito’y para sa pagtatamo ng ginhawa ng nakararami nating kababayan na sukang-suka na sa mga kaguluhang nagaganap sa bansa. Kung ang mga aksyon ni Ramos ay para sa ikalulusog ng bansa, sige hataw pa! Otherwise, we will cry in unison "Tabako is dangerous to health."

CORY AQUINO

GRIEGO

IMEE MARCOS

JOSEPH ESTRADA

PRESIDENTE ARROYO

PRESIDENTE FIDEL RAMOS

RAMOS

TABAKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with