^

PSN Opinyon

Nabubuhay ka sa taon 2006 kung...

SAPOL - Jarius Bondoc -
HAY naku, buhay! Bagong taon na naman, tatanda na naman tayo nang 12 buwan at bibilang ng uban at mahihilo sa bilis ng progreso.

Talagang iba na ang panahon ngayon. Malalaman mo na nabubuhay ka sa taong 2006 kung:

• Matagal ka nang hindi nakakalaro ng solitaryo sa tunay na baraha – sa cell phone o computer na lang;

• Ini-e-mail mo ang tao na katabi mo lang naman sa trabaho;

• May listahan ka ng 15 numero para sa mag-anak mong lima lang;

• Nagsasabi ka ng "hello" matapos pindutin ang microwave;

• Ang rason mo sa hindi pagkontak sa kamag-anak o kaibigan ay dahil wala silang cell phone o e-mail address;

• Pagdating mo sa bahay, nagmi-miss call ka, imbis na kumatok o mag-doorbell para magpatulong magbuhat ng mga binili mong groceries;

• Lahat ng commercial sa TV ay may website sa ibaba ng screen;

• Napa-panic kang umalis ng bahay na walang cell phone, miski hindi ka naman gumamit nito nu’ng nakaraang 30 o 60 taon;

• Ang una mong tinitingnan sa paggising (dahil alarm clock) o bago matulog (baka may message) ay ang iyong cell phone;

• Tinatagilid mo ang ulo mo para ngumiti :) o sumimangot ;( at

• Kung mgspeling k ay puro pinaikli 2lad n2.

Maraming nakakabahala sa paglipas ng mga taon. Nariyang mas mabilis bumaba ang halaga ng piso kaysa pagtaas ng kita mo. Kaya ‘yung dating punong bayong ng pinamili sa halagang P200 ay isang maliit na supot na lang ngayon. Pero bale-wala ‘yon sa mas malaki mong problema: Ang pagdami ng kulubot sa mukha kung babae, o paglagas ng buhok kung lalaki. Maubos na ang kayamanan mo, huwag lang ang sex appeal!

Meron pang malaking pagbago sa iyo. Sa babae, kung dati’y ang dali mong isuot ang jeans na size 26, ngayon pinapawis ka na sa pagbutones pa lang ng size 32. Sa lalaki, nagtataka ka kung paano mo natutungga ang 12 beer, pero ngayon senglot ka na sa 2. Hay naku, buhay!

INI

KAYA

KUNG

LAHAT

LANG

MALALAMAN

MARAMING

MATAGAL

MAUBOS

MERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with