^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Corruption sa PAF

-
ANG isyu ng corruption sa maraming sangay ng pamahalaan ay hindi na matatawag na balita. Karaniwan na lamang nangyayari ang katiwalian at nagpapatuloy sapagkat walang kakayahan ang gobyerno para madurog ang matatakaw. Ang katiwalian sa pamahalaan ay nakasanayan na ng taumbayan at natatanggap na. Numero unong corrupt ang Bureau of Customs, sumunod ang Bureau of Internal Revenue at ikatlo ang Department of Public Works and Highways.

Ang nakamamangha ay ang Armed Forces of the Philippines na ngayon ay nakikipagsabayan na rin sa pagiging corrupt. Imagine, habang maraming sundalo ang kukulo-kulo ang tiyan dahil napakaliit ng suweldo at hindi mabigyan ng ganap na sustento para sa kanilang rice supply, bulok ang mga combat shoes, punit-punit na uniporme, marami palang opisyal ng sandatahang lakas ang nagpapasarap at nagpapakabundat.

Unang sumingaw si dating AFP general at comptroller Carlos Garcia na "naghahakot" ng dollar sa US katulong ang kanyang asawa at anak. Nabulgar ang anomalya ni Garcia nang mabuking ng US authorities ang kanyang anak na may dalang libong dolyares sa Los Angeles airport noong 2004. Sabi ng asawa ni Garcia, regalo ang mga iyon. Doon na nagsimula ang pagsingaw ng baho. Lumutang ang maraming ari-arian, sasakyan, mansiyon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa US man. Kasalukuyang nakapiit si Garcia. Bukod kay Garcia, iniimbestigahan din ang comptroller na pumalit kay Garcia. Limpak na pera rin ang sangkot sa anomalya.

Hindi pa natatapos ang kaso ni Garcia, lumutang naman si Air Force Col. Efren Daquil noong Lunes at ibinulgar ang katiwalian doon. Sinabi niyang ang mga PAF officers ay ilegal na tumatanggap ng P45,000 ng monthly allowances. Pinagpapali- wanag din niya si Air Force commanding general Lt. Gen. Jose Reyes kung paano nagasta ang P30 million savings noong 2004 na siya (Daquil) pa ang personnel office chief.

Ang pagbubulgar ni Daquil ay tamang-tama naman sa mga umuugong na balita ng kudeta at ang umano’y pagsasanib ng puwersa nina dating President Cory, FVR at Erap. Sabi ng mga opisyal ng PAF, maaaring ginagamit si Daquil ng mga taong gustong pabagsakin ang gobyerno. Nagtataka sila kung bakit ngayon lamang nagsalita si Daquil.

Hindi dapat ipagwalambahala ang ibinulgar ni Daquil. Dapat itong imbestigahan para malaman ang katotohanan. Ngayong "inaanay" sa corruption ang AFP, dapat bigyang pansin ang exposé ni Daquil.

AIR FORCE

AIR FORCE COL

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CARLOS GARCIA

DAQUIL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with