^

PSN Opinyon

Daloy ng traffic sa EDSA ok dahil sa PNP-TMG

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SI Reservist Sgt. Allan O. Unarse, Prez ng Guardian Brotherhood Inc., Sta. Mesa Chapter at mga kasamahan nito sa 1st Infantry Brigade ng 9th Infantry Division ng Philippine Army ay pormal na itinalaga bilang mga Peace Keeping Force na mangangalaga ng katahimikan at kaayusan ng pamayanan sa 6th District ng Manila.

Ang nasabinig puwersa ay magiging katulong ng katulisan etse mali kapulisan pala na nakatalaga sa Manila Police District-Police Station 8 para sa mga residente ng Barangay 598, Zone 59 na pinamumunuan ni Barangay Chairman Tony Datu.

Ang isyu, ang mga motorista sa ngayon dahil dehins na sila highblood sa matinding traffic sa kahabaan ng EDSA kahit na rush hour. Ika nga, smooth sailing sila!

Salamat sa tulong ng PNP-Traffic Management Group under the supervision ni TMG Chief Supt. Augusto kaliwa este mali Angcanan pala. Observer kasi ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa laki ng kanilang mga eyes nakita nila nitong mga nagdaan mga araw ang magandang daloy ng traffic sa EDSA mula nang tumayo sa nasabing lansangan ang PNP-TMG dahil nabawasan ang mga barumbadong bus drivers todits. Sabi nga, naging disiplinado ang mga kamote.

Noon mga nagdaan days hindi inaalintana ng mga gagong drivers ng bus ang mga kagaguhan ginagawa nila sa EDSA kahit na may mga MMDA traffic enforcers pa sa kalye. Sa isip nila sila ang King of the Road!

Perwisyo at abala ang pinaggagawa nila sa mga kabuntot nilang sasakyan kaya naman nanggagalaiti sa galit ang mga kasunod nilang drivers. Ika nga, balagbag dito, balagbag doon. Kung baga sa basketball pangbabalya ang kanilang ginagawa. Agawan ng pasahero kasi.

Ngayon dehins na uubra ang kanilang mga kagaguhan dahil alam nilang hindi sila bibiruin ng mga TMG. Remember Pasig City killings? He-he-he!

Siguro sa pagtayo ng TMG sa EDSA tiyak mawawala ang mga colorum buses todits lalo na ang mga passenger jeepneys na dumadaan dito na wala namang linya.

Pati mga drivers ng private vehicles ay siguradong titino sa EDSA hangga’t may TMG silang nakikita todits.

‘‘Paano ngayon ang MMDA traffic enforcers sa EDSA?’’ tanong ng kuwagong manunulot.

"Iyan ang hindi ko alam basta ang utot este mali utos pala ng Supreme Court ay stop sila sa paniniket sa mga drivers’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Hindi ba sila gagalangin ng mga gagong drivers kung wala silang papel?’’ tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Eh, kung may papel dehins sila ginagalang ngayon pang alaws na.’’

‘‘Ano ang magandang gawin?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Iyan kamote ang ipasagot mo sa mga pa-bright-bright!’’

vuukle comment

ALLAN O

BARANGAY CHAIRMAN TONY DATU

CHIEF SUPT

GUARDIAN BROTHERHOOD INC

IKA

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

IYAN

KING OF THE ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with