^

PSN Opinyon

Tulungan ang mga Dumagat

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
GAGANAPIN sa Enero 8 ang ‘‘ALAY SA DUMAGAT,’’ isang outreach program para sa mga katutubong Dumagat. Ang charitable under-taking na ito ay taun-taong ginaganap sa Angat Dam, Norzagaray, Bulacan sa pamumuno nila Dr. Rene at Amy Santos at mga kapamilya ng yumaong Defense Secretary Alejo Santos na isa sa mga dinadakilang bayani ng Bulacan.

Ayon kay Dr. Rene Santos ang mga Dumagat ay nakatulong sa mga gerilya sa pakikipaglaban sa mga Hapon noong World War II. Sinabi niya na nakalulungkot isipin na unti-unting naglalaho ang cultural minority na ito. Patuloy na nababawasan at nilalamon ng makabagong kabihasnan.

Pinasasalamatan ng mag-anak na Santos ang maraming nagkawang-gawa sa naturang proyekto gaya ng Reserve Officers Legion of the Philippines sa pamumuno ni Col. Andrew Nocon, Retired Activities Office nina Virgilio Medina Soroptomist International Bulacan North Bahag-hari Lions Club, Phil. Council for World Freedom, Kapayapaan Lodge (PNP Camp Crame) La Loma Lions Community Action Group nina Dr. Dominador Tan at Jojo Veterbo at Kagawad Leonardo Nepomuceno ng Barangay Hilltop, Norzagaray.

Matagal ko na ring itinataguyod ang proyektong ito. Kasama ako nina Dr. Santos na nanawagan sa mga may mabuting kalooban na mag-donate ng gamot, damit at pagkain para sa mga Dumagat. Tumawag kina Dr. Santos sa 4127069 para sa inyong mga donasyon.

AMY SANTOS

ANDREW NOCON

ANGAT DAM

BARANGAY HILLTOP

BULACAN

CAMP CRAME

DEFENSE SECRETARY ALEJO SANTOS

DR. DOMINADOR TAN

DR. SANTOS

DUMAGAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with