^

PSN Opinyon

Bagong Taon, bagong pag-asa

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
BINABATI ko kayo ng Manigong Bagong Taon! At habang iilang araw pa lamang ang lumilipas mula nang sumapit ang 2006, masasabi kong punumpuno pa rin ng pag-asa tayong lahat na ang pagsapit ng bagong taon ay panibagong pag-asa para sa ating lahat. Pag-asa na nagmumula sa malalim na paniniwala na sa kabila ng mga nakaraang ‘‘kadiliman’’ sisikat pa rin ang liwanag.

Ang pag-asa ay kailanma’y di-nawawala sa isang taong patuloy na nananalig sa isang Makapangyarihang Lumikha na di-nagpapabaya sa kanyang mga nilikha – mga tao man o mga bagay. Kung kaya ang ating pag-asa ay: Na ang ating pampulitikang sitwasyon ay mas magiging maaliwalas para sa mga taong patuloy na naniniwala sa mga demokratikong mga pamamaraan; na ang ating pang-ekonomiyang kalagayan ay unti-unting uunlad; na magkakaroon ng mas higit na katarungan at pagkakapantay-pantay sa larangan ng mga serbisyo at mga oportunidad; na ang ating mga panlipunang kalakaran ay higit na magpapairal ng kasapatan na edukasyon para sa ating mga kabataan, ang ating lipunan ay mas magiging bukas, masigla sa pagtataguyod at pagtatanggol ng mga karapatang-pantao – lalo na ng mga bata, kabataan, kababaihan at mga katandaan; na sa larangang espirituwal, tayong lahat ay mas maging maka-Diyos at maka-kapwa.

Subalit ang pag-asa ding ito ang nagbubunsod sa atin na maging mulat at bukas sa mga pahirap, kahirapang daranasin natin habang ating itinataguyod ang mga positibo at maseselang usapin. Na hindi tayo dapat patalo sa mga pagsubok na darating sa atin – ito ma’y dulot ng kalikasan, kapwa-tao o nang mismong ating mga sarili.

Tunay ngang marami tayong dapat ipagpasalamat sa Diyos, sapagkat habang ang tao ay may buhay, mayroong pag-asa. At habang may pag-asa, tiyak na laging may bagong pagkakataon, bagong sitwasyong tiyak na makasosorpresa sa atin, at sa ganoon, parating may bagong araw, bagong taon.

Maraming salamat sa mga walang sawang tumatangkilik sa Pili-pino Star NGAYON. Patuloy ang aming paglilingkod sa inyo.

ASA

ATING

BAGONG

DIYOS

MAKAPANGYARIHANG LUMIKHA

MANIGONG BAGONG TAON

MARAMING

PAG

PATULOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with