EDITORYAL - Dagdag na singil sa tubig at kuryente
January 4, 2006 | 12:00am
AGANDA raw ang pangitain para sa 2006. Sabi ng mga fortune tellers, psychics at mga numerologists, maganda ang kahaharapin ng bansa. Harinawa!
Pero isang araw makalipas ang January 1, meron nang kinakaharap na pasanin ang mga Pinoy. Ngayong buwang ito ay ipatutupad na ang dagdag na singil sa tubig at kuryente. Mauunahan pa ang 12 percent expanded value added tax (EVAT) na sa February pa ipatutupad.
Tiyak na ang pagtaas ng kuryente at tiyak na marami ang iiyak. Baka sa taas ng singil sa kuryente ay pambayad na lamang ang susuwelduhin ng kawawang mamamayan. Ipaghahanap-buhay na lamang ang Meralco. Wala namang magagawa ang taumbayan kundi sundin ang anumang gusto ng Meralco. Mayroon bang hindi nakapangyari sa Meralco. Kahit na nga kung anu-anong bayarin ang nakasaad sa bill, hindi na nagrereklamo ang mga consumers at tinatanggap na lamang ang lahat.
Sa kabila niyan, tila hindi naman ginagawa ng Meralco ang kanilang papel para maputulan ng pangil ang mga magnanakaw ng kuryente na ang nagpapasan ay ang mga legal na consumers.
Ang Maynilad Water Services Inc. ay nakatakdang sumingil ng P1.86 per cubic meter. Inaprubahan ang kanilang pagtataas ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Magsisimulang maningil ang Maynilad sa ikalawang linggo ng January. Magandang pasalubong talaga sa mga Pinoy ngayong 2006.
Okey lamang magtaas ng singil ang Maynilad pero dapat naman nilang pagbutihin ang kanilang serbisyo. Hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring lugar ang hindi nakatitikim ng tubig na galing sa gripo. Marami ang nangarap na magkatubig pero ang pangarap ay hanggang doon na lamang.
Nakapagtataka rin namang habang ang ibang consumers ay nagrereklamo sa mahinang tulo sa kanilang gripo, marami namang tubo ng gripo ang pumupulandit ang tubig at nasasayang lamang. Karaniwan na lamang ang makikitang sumisirit na tubig sa mga kalsada. Pinababayaan lamang ng mga taga-Maynilad at ngayon ngay balak pa nilang maningil nang labis-labis.
Tubig, kuryente at iba pang bilihin ay nakatakdang magtaas, paano na kapag ipinatupad pa ang 12 percent EVAT.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended