^

PSN Opinyon

Presyo ng kuryente at tubig tumaas na!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
HABANG abalang-abala tayong lahat sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon, pinayagan ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria ang pagtataas ng presyo ng kuryente at tubig.

Ang Meralco na siyang nagbebenta ng kuryente sa buong Kamaynilaan at iba pang parte ng Luzon ay ipapataw na ang expanded value added tax na 10% ni Madam Senyora Donya Gloria.

Bagamat hindi sa Meralco kung hindi sa kaban ng administrasyon mapupunta ang pagtaas na ito ay pabigat pa rin ito sa mamamayang Pilipino. Epektibo sa matatanggap nating billing statement ang pagtataas na ito ng presyo ng kuryente bunsod ng Evat.

Noon pa man kasi ay sinasabi ko na hindi dapat pinagpilitan ni Madam Senyora Donya Gloria at ng kanyang mga alipores sa Kongreso at Senado na ipataw ang nais niyang value added tax sa kuryente, tubig at langis dahil magkakaroon ito ng domino effect.

Ang presyo naman ng tubig ay tataas ng P1.86 cubic meter para sa mga West Zone Customs ng Maynilad Water Services Inc. Pinayagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang pagtataas at magiging epektibo ito sa ikalawang linggo ng buwang ito. Hindi sinabi kung nakapatong na rin ba rito ay expanded value added tax ni Madam Senyora Donya Gloria.

Ang mga nasasakupan ng naturang kumpanya ay ang buong siyudad ng Maynila, puwera ilang parte sa San Andres at Sta. Ana, parte ng Quezon City, parte ng Makati, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas, Malabon, Cavite City at ilang bayan sa probinsiya ng Cavite.

Malaking dagok sa lahat ang pagtataas nito pero ang matindi ay pinapayagan ang pagtataas pero wala namang improvement sa serbisyo lalo na ng Maynilad. Hanggang ngayon ay marami sa lugar na nasasakupan nila ang patuloy na hindi nakakatikim ng tulo sa kanilang tubig.

Sabagay, sabi nga ng mga nakakaawang mga residente na dinadaan na lang sa biro, "may tubo ka na gusto mo pa ba ng tubig, abuso na yan."

Marami sa kanila ay patuloy na nagpapaigib ng tubig at nagbabayad ng malaki laking halaga rin kada araw. Problema nito, dumarating pa rin ang billing nila galing sa Maynilad dahil patuloy sigurong dumadaan ang hangin sa gripo ng mga kababayan natin.

Buong akala ko ay libre ang hangin pero bakit nga naman tayo nagtataka, sa ginagawa ni Madam Senyora Donya Gloria at mga alipores niya ay malapit na tayong patawan ng buwis sa paghinga o kung hindi naman ay nararapat humingi ng permit mula sa kanyang (in)Justice Secretary Raul Gonzales o kaya’y PNP Chief (of Chain of Collection) Arturo Lumibao.

Sabagay, sinungaling siguro ako at ang mga umaangal tungkol sa serbisyo ng tubig dahil ayon sa PRESS RELEASES ng Malacañang ay umuunlad ang buhay ng sambayanang Pilipino at gumaganda ang ekonomiya natin.

Pero huwag kayo mag-alala, sulat kayo sa Malacañang at baka mag-isyu sila ng bagong PRESS RELEASE at sa pamamagitan nito magkakatubig na kayo. Ganoon lang ho kadali yon, PRESS RELEASE lang ayos na PROBLEMA n’yo.
* * *
Nanawagan si Armed Forces Chief Gen. Generoso Senga sa kaSundaluhan na "we must remain vigilant against the forces of hatred, destructive partisanship and corruption."

Sinabi rin niya na ang AFP ay nararapat maging instrumento ng pagbabago at kaunlaran.

O yan mga kapatid nating nasa AFP, malinaw, labanan niyo ang corruption, katiwalian, dayaan at mga criminal at huwag kakampi kahit kanino maliban sa sambayanan.

Malinaw ho yan, ang mensahe ay labanan ang kasamaan, ang mga taong nagdudulot ng kasiraan sa bayan at higit sa lahat itaguyod ang kapakanan ng bansang Pilipinas.

Ating mga sundalong makabayan, lalo na mga ideal officers and enlisted men, sundin niyo na at gawin niyo ang nararapat para sa bayan. Gen. Senga, inutos niyo yan kaya sana huwag niyong tutulan ang pagsunod nila.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.

vuukle comment

ANG MERALCO

ARMED FORCES CHIEF GEN

ARTURO LUMIBAO

BAGONG TAON

CAVITE CITY

CHAIN OF COLLECTION

GENEROSO SENGA

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with