^

PSN Opinyon

Bagong Pinoy sa 2006

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
KAHIT maraming problema ang 2005, nakaraos din ang Pilipinas. Nasadlak sa hirap ang mga Pinoys dahil sa kagagawan ng mga bulok na opisyal ng pamahalaan. Sa halip na ang taumbayan unahing atupagin, ang kanilang sarili muna ang inuuna.

Ngayong 2006 nararamdaman kong katulad din ito ng 2005. Mananaig na naman ang paghihirap na matagal nang nararanasan ng nakararaming Pinoy. Ganito nang ganito ang nangyayari sa mga Pinoy na nawawalan na ng pag-asa na magbabago pa ang kanilang buhay.

Ginagamit lamang ng mga pulitiko ang taumbayan. Obserbahan kung paano nabubuhay ang mga opisyal ng gobyerno. Nakatira sa malapalasyong tirahan, may mga magagandang sasakyan.

Huwag nang magbulag-bulagan. Niloloko tayo ng karamihan sa mga pinagkakatiwalaang opisyal ng pamahalaan. Ngunit wala tayong ginagawa upang supilin ang kanilang mga pagmamalabis. Nagwawalang-bahala na lamang tayo. Bale pa, baka ang karamihan sa atin ang naghalal.

Simula ng Bagong Taon. Nasa atin ang desisyon kung ano ang gusto nating mangyari sa Pilipinas. Kung gusto nating magbago ang bansa, kailangang magsumikap. Ipahayag ang ating gusto.

BAGONG TAON

GANITO

GINAGAMIT

HUWAG

IPAHAYAG

MANANAIG

NAGWAWALANG

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with