Read this Finance Sec. Gary Teves, Your Honor

NANGGAGALAITI sa galit si Lina oink-oink dahil sa pagbubulgar ng Chief Kuwago sa kanyang P200 million worth of assorted highly-taxable na electronic equipments na sinungkit ng Bureau of Customs bago two weeks before Christmas sa Port of Manila. Plano kasing isalya ang epektos sa pamamagitan ng gakulangot na pagbabayad ng buwis sa government. Sabi nga, gross misdeclaration ang shipments ni Lina oink-oink!

Dalawang 40-footer containerized vans from Hong Kong ang nabingwit ng mga mangingisda, este mali, cash-tong mali ulit, customs pala kay Lina oink-oink. Ang ikinabu-buwisit ni Lina oink-oink ay nabulgar pa sa dyaryo at radio ang kanilang plano kaya naman nagkawindang-windang ang kanilang plan na mailabas ito ng pier. Take note, Finance Sec. Gary Teves, Your Honor!

Kahit na nagpamudmod ng sangrekwang atik si Lina oink-oink sa lahat na yata ng tao sa pier na umabot pa sa airport ay alaws pa ring linaw ang kanyang epektos. Sabi nga, nabulabog ang ginawang pananapal dito, pananapal doon ni Lina oink-oink. Bhe, buti nga!

Ang epektos ni Lina oink-oink ay hinihilot ng mga bugok sa pier na tinapalan niya ng pitsa para mailabas ito sa anumang paraan. Paging Finance Sec. Gary Teves, Your Honor!

Naindulto ang shipments ni Lina oink-oink sa kabibira nina Rene Sta. Cruz ng DZBB, Percy Lapid ng dyaryong Hataw at maging si dating NPC Prez at ngayon ay NPC Auditor Louie Logarta ay dehins din tumigil sa exposés nila. Hindi umubra ang pantapal ni Lina oink-oink sa mga ito na ang buong akala ay mapapatahimik sila sa grasya.

Ang masama, dahil sa grasya ni Lina oink-oink, lalong nadisgrasya ang kargamento niya sa pier. He-he-he! Sorry, Lina oink-oink trabaho lang, walang personalan.

Secretary Teves, for your information, before New Year ay may tatlong 40-footer containerized vans si Lina oink-oink na dumating sa pier ang pinalusot.

Ang usapan ay millions of pesos para mailabas kaya ang buwis na dapat mapunta sa gobyerno ay sa bulsa ng mga bugok pumasok. Ika nga, pinarte-parte ang pitsa!

"Siguro si Prez Gloria Macapagal-Arroyo ang dapat umaksyon sa nangyayari ngayong mga kagaguhan sa pier," anang kuwagong pinagnakawan ng corned beef.

"Siguro nga."

"Alisin na ang tara system sa mga bugok sa BoC," rekomendasyon ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Mas mahigpit ang BoC mas lumalaki ang tara," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Ano ang magandang gawin ngayon?"

"I-crispy pata si Lina oink-oink at iharap kay GMA para kainin, este mali makalaboso pala."

"Korek ka, kamote!"

Show comments