^

PSN Opinyon

Masaganang taon sa inyong lahat

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
ITO ho ang huling column ko sa taong ito at dahil diyan ay nararapat lang na una nating batiin ang lahat na patuloy na tumatangkilik sa Ang Pilipino Star NGAYON, sa inyong lingkod at ang masang Pilipino ng isang MASAGANANG BAGONG TAON!

Ang bagong taon ay laging nagbibigay ng pag-asa kaya hangarin natin ang kasaganaan ng Masang Pilipino, lalo na ang mga kapatid nating patuloy na nabubuhay sa hirap, harinawa ay maging mas maunlad ang kanilang buhay sa taong ito.

Ganoon din sa sambayanang Pilipino, sana ang 2006 ay maging mas maunlad sa ating lahat. Muli, MABUHAY po ang kayong lahat.
* * *
Meron hong dalawang text messages sa akin na nagsasabing mali raw ako at kinontra ang sinabi kong HINDI TAMAD ANG MAHIHIRAP. Ang una ay itong may cell phone number 09277241011 na nagtext nang "cno ang may sabing hindi tamad ang mga mahihirap, tingnan mo dito sa lugar naming nagtotong-its hindi nagtatrabaho tapos sabihin mo hindi tamad palibhasay dyan ka lang sa lungga mo."

Ang isa naman ho ang sabi ay "karamihan ng mga tao sa Maynila ay taga-probinsiya na ayaw magbungkal ng lupa kaya sila umalis sa kanilang bayan para makipagsapalaran sa Maynila pero ano ang nangyari, GUTOM ang inabot nila," 09183544898.

Kung meron mang hong sugarol o lasenggero sa mahihirap, meron din sa mayayaman na nakakapaglustay dahil mayaman ang magulang nila o marami silang nananakaw. Hindi ito nangangahulugan na lahat ay nag-totong-its. Gaya ng nauna nating sinabi, mas nakakarami sa mga mahihirap ang nagsisikap pero hindi lang talaga nabibigyan ng pagkakataon. Karamihan sa kanila ay tunay na masipag pero wala na lang magawa dahil sa kapabayaan ng mga kinauukulan na patuloy na binabalewala ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Nakikita ko ang kalagayan nila at nalalaman dahil nakikihalubilo ako sa kanila. Lumaki ang inyong lingkod sa palengke kaya alam ko ang nagiging buhay ng tao riyan. Hanggang ngayon, marami akong kaibigang taga-palengke na hindi lang nagkakaroon ng magandang pagkakataon.

Yun namang iba na napilitan magpunta sa Maynila, sa dalawang taong nagsabi niyan bakit hindi kayo mag-ikot sa probinsiya at makita n’yo na kahit roon ay may squatters na rin.

Paanong hindi, ninakaw ng mga gahamang mga pulitiko at mga makakapangyarihan ang mga lupain. Uso ngayon ang landgrabbing at alamin n’yo sa patron n’yong taga Malakanyang bakit importante sa kanila na ang bata nila ay ilagay bilang pinuno ng Land Registration Authority.

Tsaka kung sakali mang magsaka sila sa lupa ng mga haciendero o sumali sa kooperatiba, nakalimutan n’yo na ba ang fertilizer scam na nagkakahalaga ng daan-daang milyong piso na binigay ng paborito niyong si Madam Senyora Donya Gloria at ni dating Agriculture Secretary Jocjoc Bolante.

Kita n’yo tuloy, kahit holiday season ay napipilitan akong ipaalala ang mga katiwalian. Ayaw ko sana pero kayo ang nag-aakalang nakalimot ako. Hindi po.

Yun namang nagagalit dahil plastic daw ako tungkol sa panawagan kong mag-share ngayong holiday season, itong may number na 09208192870, opo sa aking munting paraan ay tumutulong ako lalo na sa mga homeless. Isa lang ho ang tiyak ko ang itinutulong ko ay galing sa pawis. Ang pinanggagastos ko sa panahong ito lalo na pinakakain ko sa aking pamilya ay galing sa pawis at hindi sa katiwalian.

Yun hong nakakakilala sa numerong yan, alamin n’yo nga kung saan galing ang ginagastos niyan at kung nakikinabang ba siya sa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.
* * *
Happy New Year to Sarah ng Bulacan na ka text mate ko ngayon — 09069473521. Hi to all Mercado family of Cavite. Happy New and May God shower you a lot more blessing this coming year — 09274331314. May Peace, Joy and Goodwill be with you always. Happy Holidays to Jose Basa and family — 09267378350.

Happy New Year to Julie, Tess and Jing from Julia Cruz, Pasig city. Happy New Year to all CCC Data Management employee and to all my friend Gina, Margs, Helen, Mags, Nems, Cris, Pear, Prines — Marife. Belated Merry Christmas and Happy New Year to Saguran family, Que family, Taguiam family, Pascua family — Christian Paul Carillo ofTuguegarao city, Cagayan Valley.

Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e-mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.

vuukle comment

AGRICULTURE SECRETARY JOCJOC BOLANTE

ANG PILIPINO STAR

HAPPY NEW YEAR

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MAYNILA

PILIPINO

YUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with