^

PSN Opinyon

Sin City malabong maging Dream City

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAG-IIYAKANG parang mga baka ang mga naging biktima ng mga naholdap sa Pasay City nitong nakaraang mga days. Sabi nga, grabe na!

Sa sumbong ng mga asset sa mga kuwago ng ORA MISMO, before Christmas season ay alaws ng tigil ang holdapan sa kahabaan ng F.B. Harisson malapit sa Maginhawa Street.

Dalawang gagong holdaper ang inginuso ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina Tambo at Benjie kupal, ang promotor ng tirahan sa nasabing place. Alaws naman magawa ang mga lespiak ng Pasay sa dalawang kamote dahil patong sila. Ika nga, may commission ang mga rakpa.

Ang dalawang kamote ay mga ex-convict sila ang ikinakanta ng mga residente ng Maginhawa, Balagtas at Estrella Sts., na sangkot sa mga holdapan sa mga pampasaherong sasakyan sa F.B. Harisson St., hanggang Vito Cruz St.

Last December 23, tumira ang dalawang kabig ni Satanas may hinoldap silang bebot nang pumalag ang tsikas sinaksak nila sa hita saka kinuha ang mga importanteng kagamitan ng biktima. Ang operasyon ng dalawang kamote ay sa madaling-araw pagkatapos tumira ay bumobotak ang mga gago sa Maginhawa St. Ang mga burungoy naman sa Barangay 14, Zone 1, ay parang mga bulag kapag dumadaan sa kanilang lugar ang mga ungas kaya naman up to now ay patuloy sila sa kanilang kagaguhan.

Mukhang napapabayaan ng mga parak na proteksyunan ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan diyan sa nasabing lugar. Take note P/Supt. Rosendo Franco.

Dapat sigurong malaman ni NCRPO chief Gen. Vidal Querol, ang nangyayari sa nasabing lugar para naman maihabol, ang dalawang gago sa pagtatapos ng 2005 para matigil na ang criminality diyan.

‘‘Ano bang paraan para patigilin sa kagaguhan ang dalawang kamote?’’ tanong ng kuwagong naholdap ng siopao.

‘‘Siguro mas maganda kung pantay ang paa ng dalawa sa kalye,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

DALAWANG

ESTRELLA STS

HARISSON ST.

LAST DECEMBER

MAGINHAWA ST. ANG

MAGINHAWA STREET

PASAY CITY

ROSENDO FRANCO

VIDAL QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with