Pekeng tax declaration
December 29, 2005 | 12:00am
Bumili ang MPI, isang pribadong korporasyon, ng dalawang lote mula kay Benito. Sa pamamagitan ng presidente ng MPI na si Jacinto, hiniling nila sa RTC na magawaran ng titulo ang dalawang lote nito na matatagpuan sa San Fernando, La Union na may sukat na 1,480 sq. meters. Samantala, nalathala at naabisuhan ang mga may-ari ng mga loteng nakapalibot sa dalawang lote ng MPI. At bukod kay Jacinto, pinatunayan din ni Benito ang hinihinging haba ng panahon ng pamumusisyon sa dalawang lote. Naisumite rin ni Jacinto sa RTC ang tax declaration na naisyu ayon sa Section 202 of RA 7160 (Local Government Code of 1991) na pinagtibay ng Deputy Assessor noong November 28, 1950. May anotasyon din sa likod ng tax declaration na ito ay inisyu bilang kapalit ng 1945 tax declaration.
Base sa mga ebidensya ni Jacinto, pumayag ang RTC na marehistro ang dalawang lote ayon na rin sa PD 1529 or The Property Registration Decree. Kinumpirma ito ng Court of Appeals subalit hindi sumang-ayon ang Solicitor General (OSG). Ayon sa OSG, ang dalawang loteng ito ay bahagi pa rin ng public domain kaya ang MPI bilang pribadong korporasyon ay hindi kwalipikadong mag-ari. Pwede lang nilang upahan ito batay sa sinasabi ng Section 3 Article 12 ng Saligang-Batas. Subalit iginiit ng MPI na ang lote ay pribadong lupa na nang bilhin nila ito mula sa naunang may-ari na hayagan at tanging namumusisyon mula pa 1940. Tama ba ang MPI?
MALI. Ayon sa Section 48 (b) of Commonwealth Act of 1941 or the Public Land Act, kapag ang pamumusisyon ng naunang may-ari sa MPI ay mula pa noong June 12, 1945 o mas maagang petsa, ang mga loteng ito ay awtomatikong magiging pribadong lupain para mailipat sa pangalan ng MPI. Subalit hindi ito napatunayan ng MPI dahil matapos suriin ang tax declaration nito, napag-alamang ito ay isa lamang kapalit ng 1945 tax declaration. Upang hindi kahina-hinala kung naisyu nga ang 1945 tax declaration, dapat sana ay ipinakita ng MPI sa korte ang 1945 tax declaration. Dapat rin na matiyak ang taon at buwan nang inisyu ang 1945 tax declaration upang masunod ang petsa na hinihingi ng CA 141.
Kahinahinala rin ang hawak na tax declaration ng MPI. Inimbento ito upang palabasing ang naunang may-ari ng dalawang lote ay namumusisyon na simula pa June 12, 1945. Malinaw kasing ang form na ginamit ay hindi ang form na ginamit noong November 28, 1950. Samakatuwid, ang dalawang lote ay hindi maaaring angkinin ng MPI dahil ito ay bahagi ng public domain (Republic vs. Manna Properties, Inc. G.R. 146527, January 31, 2005).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended